Chapter 20

1.9K 52 3
                                        

"Thank you, Mr. Caste. Sana maulit muli na magturo kayo sa Akademya. You have such good teachings lalo na at maganda ang feedback sayo ng mga estudyante namin dito." ani Dean ng College Department.

"Pleasure to know that. Mr. Sanchez. Ginawa ko lang naman ang makakaya ko sa pagtuturo sa mga estudyante. Kung pwede na ulit siguro ako magturo then why not as long na hindi na ako busy sa iba pang trabaho ko." sagot ko.

Ngumiti sa akin ang dean bago tinignan ang kanyang relo.

"Anyway I need to go now. May lakad pa kasi ako and by the way thank you again."

"Welcome Sir and It's okay. Aayusin ko na rin mga gamit ko." nagpaalam na siya na kinatango ko bago nagpatuloy sa pag-aayos ng gamit ko.

He is Dr. John Dale Sanchez, ang pinakabatang naging dean ng Academy at alam kong magkalapit lang ang edad namin sa isa't isa.

I already ask Ferrer about him at ang dami pala talaga niyang promotions pero mas pinili niya ang Academy dahil dito daw siya nagtapos. Ang hindi ko nakalimutan na sinabi niya ay "Always bring back what comes to you. Sabi nga ni Rizal dapat marunong kang lumingon sa iyong pinanggalingan. And that's what I'm doing now. Ibabalik ko sa alma matter ko ang mga magagandang bagay na ginawa nila sa akin".

Dahil na rin siguro palagi kaming nagkikita sa Academy at nagkakausap maybe I'm considering him as my friend kasi may mga bagay na nasasabi na namin sa isa't isa. Hindi ko alam kung bakit sa dinami dami ng babaeng pwede niyang mahalin ay yung babae pang walang pakialam sa kanya. And I guess he's also like me. Gagawin ang lahat makuha lang ang babaeng minamahal nito.

Natawa ako sa pinag-iisip ko. Who would have thought na madami pa din pala ang kagaya ko. Well, except sa mga 'bestfriends" ko na alam ko na ang likaw ng mga bituka.

Nasa kalagitnaan na ako ng pagliligpit ng may kumatok at bumukas ang pinto.

"Hey, Rom. How are you." bungad ng babaeng pumasok.

"Via" gulat kong saad. She's been working here also as professor at neto ko lang nalaman dahil nagkaroon ng meeting sa lahat ng employees ng Academy mapa-guro man yan o kahit sino ba nagtatrabaho sa loob ng Academy at doon kami nagkita.

"I miss you, Rom." Niyakap niya ako at akmang hahalikan ng lumayo ako sa kanya.

"What are you doing here, Via?"

"Visiting you. Don't you miss me, hmm." hahalikan na naman sana niya ako pero pinigilan ko siya.

"Stop doing that, Via. I'm doing something. Visit me some other time. Wag ngayon na may ginagawa ako."

"So, you really change. Hindi ka naman ganito noon na kahit busy ka. Nagagawa mo pa din lumambing sa akin."

"Don't forget the word "noon" Via because I'm a change man. Iba na ako sa kung ano ako noon."

"It's because of her, right. Hiniwalayan mo ako dahil sa kanya."

"Hindi siya ang dahilan. Paulit ulit na lang ba tayo dito Via. I already said to you my reason. I break up with you because I fall out of love." hindi siya nakapagsalita. Titig na titig lang siya sa akin.

I sighed.

"Leave Via. I need to finish what I'm doing now."

"I won't stop, Romhiel. I don't easily give up." huling salita nito bago tumalikod at lumabas ng opisina.

Itutuloy ko na sana ang gagawin ko ng makita ko ang taong nasa labas at akmang papasok na sana siya pero sakto naman na lumabas si Via. Nakita ko ang gulat sa mga mata niya at pagngisi ng isa.

Taming Mr. Playboy (Night Series #2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon