Chapter 22: Don Romantiko

1.1K 40 4
                                    

Chapter 22: Don Romantiko

*Maisha's POV*

Nandito ako ngayon sa bahay namin. Sabado ngayon at walang pasok, isang linggo na pala ako hindi nakaka-pag update, isang linggo din ako hindi nakakapag-bukas ng wattpad, facebook at tumblr. Nakaka-loka pala.

Ang dami ko na rin palang fans, votes at readers. Pero sempre isa pa rin akong frustrated writer. Hindi porket marami kang readers, fans, votes, comments at tinatawag kang idol ng mga readers mo ibig sabihin sikat ka na, ang pagiging sikat ay 'salita' lang yan. Kung talagang isa kang tunay na manunulat hindi mo kailangan ng maraming boto, komento at mga taga-hanga. YAN ANG NATUTUNAN ko sa pag-susulat. Oo, dati gustong-gusto ko ang magkaroon ng maraming boto, komento at taga-hanga lalong-lalo na mga mambabasa. Dati yun. Hindi na ngayon.

''Maishayah! Alis na kami ng Oppa mo. Si Bella sasama namin ma-iwan ka dito sa bahay. Sasarado na lang namin.'' sigaw ni mama sa labas ng pinto.

''Sige po! Ingaaaaat!'' sigaw ko naman.

Binuksan ko na ang account ko sa wattpad, tumblr at facebook. Ang daming notification ko.

Pero isa lang ang pumukaw ng atensyon ko.

*Don Romantiko become your fan*

*Don Romantiko added Now Or Never (The Diary) to My Reading List*

*Don Romantiko added Inlove Ako Sa Unknown Reader Ko? to Favorites*

*Don Romantiko added *insert one shot stories ni Yeppeun here*

*Don Romantiko posted to your message board*

O________________________O

''Sino ba 'tong Don Romantiko na 'to? Sya lang ata laman ng mga notif ko. Lahat ata ng chapter ng NONTD binoto nya.'' sabi ko sa sarili ko.

Inlove Ako Sa Unknown Reader Ko?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon