Chapter 16: Message Board♥
*Maisha's POV*
''Umma! Oppa! Bellayah! Nandito na ako!'' sigaw ko sa pintuan habang nag tatanggal ng sapatos.
''Unnie!'' sigaw ni Bella sa akin at kiniss ako sa pisngi.
''Where's Umma and Oppa?''
''Napunta po sa SM hindi ako sinama *pout*'' pinisil ko ang pisngi ni Bella. Ang cute talaga ng kapatid ko.
''Aray naman Unnie!'' reklamo nya habang hinimas-himas ang pisngi nya.
Ginulo ko na lang ang buhok nya at umakyat sa kwarto ko.
''Unnie! Sponge bob na! Nood lang ako uh!'' rinig ko na sigaw ni Bella.
Pumasok na ako sa kwarto ko at na higa agad sa kama.
*sigh
Nakakapagod ngayong araw. Tapos nag trabaho pa kami sa shop ni Lia. MWF lang kasi ang trabaho ko doon at ang daming costumer ngayon. Hindi nakasama nila Aya at Lia yung mga nanliligaw sa kanila may lakad daw kasi kaya sabay-sabay kami umuwi.
Nag bihis na ako ng pang-bahay at nag open ako ng account sa Facebook, Wattpad at Tumblr.
Ang dami ng nag Fan sa akin at nag lagay ng mga works ko sa Reading List nila nakaka-tuwa lang, nakaka-wala ng pagod ^______^
Biglang may lumabas sa Notif ko sa wattpad.
*HopelessRomantic posted on your Message Board*
Three days na din pala ako hindi nakakapag-update matagal-tagal na din pala.
BINABASA MO ANG
Inlove Ako Sa Unknown Reader Ko?
Teen FictionWattpad Writing stories Readers.. Oh wait.. Unknown reader?