Chapter 30: Epic -__-
*Maisha's POV*
''Oy peps! Alis na kami! Babush!'' sigaw sa akin nila Lia at Aya. Kasama nila yung mga boyfriends nila. T^T
''Maishayad! Gorabels na aketch! Yung ka-date kong fafabol nag hihintay na! Hihi! Fly na akish! Babu!'' paalam naman sa akin ni bakla.
Ngumiti na lang ako sa kanya na walang kagana-gana at naiwan ako dito sa room na mag-isa. Mali, pala. May kasama pala ako =.=
''Chingu, gusto mo tulungan kita dyan?'' biglang offer ng tulong sa akin ni Phoenix. Nakaka-inis naman kasi! Na-late ako sa Math subject namin, tapos pinarusahan ako! Mag rereport bukas eh ang hina ko sa Math. Jusko! Mamamatay na yata ako! Tapos dumagdag pa yung tungkol kay H.R hindi pa rin ako maka-get over sa chat namin nung nakaraang gabi, hindi ko na sya na aabutan ng naka-OL :( Pati din si Don Romantiko =.=
Sa sobrang pag-iisip ko di ko na namalayan na si Phoenix na pala sumasagot ng report ko! >3<
''Wag mo ng sagutin yan!'' sabi ko sabay agaw ng notebook ko.
''Eh kasi kanina pa kita kinakausap nakatulala ka lang dyan habang naka kunot-noo mo! Hahahaha! Ganito oh.'' sabi nya sabay ginaya nya yung muka ko! =.
''Esh! Inaasar mo naman ako eh!''
''Hahaha! Hindi kita inaasar! Nag-sasabi lang po ako ng katotohanan! Tska di naman panget sayo eh, aegyo.'' sabi nya habang naka ngiting nakakaloko. (cute)
''Ewan ko sayo! Tulungan mo na nga lang ako at ng maka-uwi na ako ng maaga.'' sabi ko sa kanya.
''Opo, eto na nga diba?'' sabi naman nya.
''Paano ba kasi yan?'' tanong ko sa kanya habang naka-tingin sa sinasagutan nya sa note book ko. Lalo ko pang nilapit ang upuan ko sa desk nya.
''Ganito kasi yan, bring daw mo lang yung natitirang number, then yung mga exponent blah blah blah.'' ang dami nyang sinasabi, pero walang pumapasok sa kokote ko, naka-tingin lang ako sa muka nya habang nag papaliwanag sya, ngayon ko lang natitigan yung mga mata nya. Mala-kulay brown pala ito, tapos singkit talaga sya, para syang masungit kung tititigan mo pero hindi ganun ang pagka-tao nya. Masungit syang tignan pero pag nakilala mo, ibang-iba sa itsura nya.
''Baka naman malusaw ako nyan.'' bahagya akong umusog ng konti palayo sa kanya. Tumingin naman sya sa akin na may nakaka-lokong ngiti sabay kumindat sya.
BINABASA MO ANG
Inlove Ako Sa Unknown Reader Ko?
Novela JuvenilWattpad Writing stories Readers.. Oh wait.. Unknown reader?