Chapter 39: Three years
*Grey's POV*
Labing-apat na segundo...
"May gusto ako sayo."
Siyam na minuto...
"Mahal na yata kita."
Dalawang linggo...
"Matatanggap mo ba ako? Kaya mo ba akong tanggapin ng buong-buo?"
Apat na araw...
"Kahit ano gagawin ko.. Kahit ano..."
Tatlong taon...
"Mahal kita Grey... Mahal na mahal.."
Labing-apat na segundo, siyam na minuto, apat na araw, dalawang linggo at tatlong taon na ang nakaka-lipas...
"Happy 1st anniversary babe."
Simula nung huli kong naka-usap si Maisha...
Simula nung nag-mahal ulit ako ng iba...
"Happy 1st anniversary Jess."
Si Jess ang bumubuo ng na wasak kong puso, si Jess ang tumanggap sa akin, si Jess ang nag-mahal sa'kin. Si Jess ang naging karamay ko.. Si Jess lang..
Tatlong taon..
Unti-unting nag-babago ang lahat, ang na wasak kong puso, unting-unting bumabalik ng dahil sa pag-mamahal ni Jess.
Tatlong taon...
Simula nung iniwan ako ng Maisha ng walang paalam..
Tatlong taon..
Araw-araw akong pumupunta sa bahay nila, nag babaka-sakali na nandoon sya, araw-araw sa ginawa ng Diyos.. Araw-araw akon umaasa..
Umaasa na baka makita ko sya..
Umaasa na baka kami talaga..
Pero hindi eh..
Hindi...
"Babe, lets go." naka-ngiting sabi sa'kin ni Jess sabay humawak sa braso ko at hinalikan ako sa pisngi.
"Tara." sabi ko sa kanya at nag-simula na kami mag-lakad.
Mag-kasama na kami ni Jess sa iisang bahay, maraming nag-bago.. Sa tatlong taon na naka-lipas, lahat kami nag-bago.. Lalo na ang barkada.
"Babe, walking distance lang ba talaga?" tanong sa'kin ni Jess habang nag-lalakad kami.
Tumango na lang ako sa kanya habang naka-ngiti. Birthday ngayon ng mag-kambal at pupunta na kami sa bagong bahay nila. Hindi na nila kasama ang mga magulang nila. Isasabay na rin namin ang celebration ng anniversary namin ni Jess.
"Babe, I love you." kahit paulit-ulit sa'kin sabihin ni Jess ang mga katagang 'yan nararamdaman ko naman na mahal nya ako... Higit pa sa inaakala ko.
"I love you, too Jess." naka-ngiti kong sabi sa kanya sabay hinalikan ko sya sa noo.
Sa tatlong taon na naka-lipas, akala ko hindi na mawawala si Maisha sa puso ko.. Akala ko habang-buhay ko ng dadalhin ang sakit na dinulot nya.. Pero kaya ko pala mag-mahal ng iba..
Dumating din ang taong mag-mamahal sa'kin..
At si Jess 'yun.
"Happy birthday Kevs at Kiel!" sigaw ni Jess pagka-pasok sa bahay nila. Nadatnan namin silang nag-iihaw, sila Lia at Aya naman nag-iihiwa.
"Happy birthday pre!" sabi ko sa kanila, bigla naman akong ni yakap ni Kiel.
"Master! Binata na kami! Huhuhu." pag-dadrama nya habang naka-yakap sa'kin. Tinanggal ko naman ang mga payat nya braso sa katawan ko -.-
BINABASA MO ANG
Inlove Ako Sa Unknown Reader Ko?
Teen FictionWattpad Writing stories Readers.. Oh wait.. Unknown reader?