Chapter 36: Find your true love game.

892 20 8
                                    

Chapter 36: Find your true love game.

***

*Grey's POV*

Bigla akong napatayo sa kinauupuan ko ng bigla ko marinig ang sinabi ni GD. Hindi.. Paano..

"Ha-ha-ha! Tangina naman pre, gandang joke mo." sabi ko sa kanya na pilit ang pag kaka-tawa.

Ngumisi naman sya at humarap sa'kin. "Hindi ka na niniwala?" tanong nya na may ngiting nakaka-loko.

Bigla naman akong sumeryoso. "Paano? Bakit?" tanong ko sa kanya.

"Hindi kami gumawa ng ganun para guluhin ka o si Maisha. Ginawa namin 'yun para maranasan mo ang mag mahal at masaktan. Alam mo pre, hindi kami ang kaaway mo. Kundi 'yang nararamdaman mo. Pero ingat ka, si Phoenix inlove na talaga kay Maisha. Haha! Sige dude alis na ako, mag online ka mamaya para mas lalong maguluhan si Maisha sa nararamdaman nya. Hahaha." pag-kasabi nya 'nun lumabas na sya ng bahay ko.

Naiwan naman akong tulala at gulat na gulat sa mga nangyayari, ayaw tanggapin ng isip ko ang mga ginawa at sinabi sa'kin ni GD. Pero isa na lang ang kailangan kong gawin ngayon..

Ang na umamin kay Maisha.

*Maisha's POV*

Pag ka-akyat ko sa kwarto na higa agad ako sa kama at hinilot ang sintido ko. Naramdaman ko na naman na sumasakit ang ulo ko.. Ayoko ng ganito, wag naman sana..

"Anak." napabangon ako sa biglang pag pasok ni Umma sa kwarto ko.

"Po?"

"Naka-inom ka na ba ng gamot mo?" tanong nya sa'kin. Bakit ko naman iinumin? Useless lang..

"Opo :)" pag-sisinungaling ko sa kanya.

Bigla naman akong niyakap ni Umma. Ayoko ng ganito.. "Mahal na mahal ka namin anak." malungkot na sabi nya. Niyakap ko din si Umma. "Umma! Parang mamamatay naman ako agad! Haha!" sabi ko sa kanya. Kumalas naman sya sa pag-kakayakap sa'kin at hinalikan ako sa noo ng naka-ngiti.

"Matulog ka na anak." sabi nya at lumabas na sya ng kwarto.

Kung pwede lang na hindi ako matulog ginawa ko na.. Kung pwede lang na hindi ako pumikit ginawa ko na.. Kasi natatakot ako, baka hindi na ulit ako maka-dilat.

Tinignan ko ang orasan ng cellphone ko, alas-otso pa lang, siguro panahon na para makapag-bukas ako ng wattpad account ko.

Kinuha ko ang laptop sa may gilid ng cabinet ko, binuksan ko 'iyon pati na rin ang account ko.

Tulad ng dati, marami na nag-babasa ng mga kwento ko, 'yung mga kaibigan ko puro post sa MB ko, pero isa lang ang pumukaw sa atensyon ko..

Si HopelessRomantic.

Tuwing nakaka-sama ko si Phoenix, iba ang nararamdaman ko.. Iba ang pakiramdam kapag kasama ko sya. Kahit na alam ko na sya si H.R parang may hinahanap pa rin ako na iba.. 'Yung hindi ko mahanap sa kanya, hindi ko alam siguro naguguluhan pa rin ako sa nararamdaman ko, parang ang bilis kasi ng mga pangyayari. Pag gising ko na lang, kami na agad.. Pag gising ko na lang nakilala ko na agad si H.R mabilis, hindi ko agad napag-handaan.

@HopelessRomantic: :(

'Yan lang ang naka-lagay sa post nya, nakakapag-taka kasi.. Kanina lang sa school ang saya namin ni Phoenix tapos bigla sya nag post ng sad face sa MB ko.

Tinignan ko ang Meebo ko kung sinong naka-online at tamang-tama, naka-online si H.R

*Dug.. Dug.. Dug..*

Heto na naman, kumabog na naman ang nararamdaman ko, paki wari ko ang tagal ko syang hindi naka-usap. Ibang-iba ang pakiramdam ko pag dating sa 'totoong H.R na nasa wattpad', pero pag si Phoenix na ang kaharap ko? Iba talaga ang nararamdaman ko.

Inlove Ako Sa Unknown Reader Ko?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon