Chapter 35: The Revelation

840 20 14
                                    

Chapter 35: The Revelation

*Grey's POV*

Nanonood ako ngayon sa dalawang tao na nag-tatawanan, mag kahawak kamay pa sila. Very romantic..

"Oh popcorn." biglang tumabi sa'kin si Kevin at may hawak-hawak nga na popcorn.-__-

"Gago."

"Sakit 'no? Ganyan talaga sa love. Kahit na maangas ka, kahit na cool ka, kahit na astig ka. Hindi mo pa rin maipag-kakaila sa sarili mo na nasasaktan ka."

 

Ako? Nasasaktan? Asa!

"Asa!" sabi ko na lang at binasa ko ulit ang librong hawak-hawak ko. Ang tagal ko na 'tong binabasa, hindi ko pa rin matapos-tapos.

"Para sa Hopeless Romantic? Bwahaha! Master naman, ang baduy mo!" gago talaga 'to, sarap sapakin -_-

"GAGO! Si Marcelo Santos ang author nyan." sabi ko na lang, palibhasa kasi kupal lang ang alam ng gagong 'to.

"Alam ko, at tapos ko na 'yan basahin. Hahaha." may sayad talaga 'to. Kumuha na lang ako ng popcorn at isinara ang librong binabasa ko.

"Alam mo master, pag nasasaktan ka sa nakikita mo, ipikit mo na lang ang mga mata mo. Atleast hindi masakit sa mata, dito na lang masakit." sabi nya sabay turo sa dibdib ko 'kung saan naka-lagay ang puso.

"Tsk. Manahimik ka na nga lang dyan."

"Ang duwag mo kasi, masyado kang mahina. Akala mo malakas ka, akala mo kaya mo ang lahat, akala mo kontrolado mo ang lahat, akala mo hindi mangyayari ang nakikita mo ngayon. Pero master, lahat ng 'yun akala mo lang. Kasi pag dating sa pag-mamahal, walang aka-akala, dahil sa pag-mamahal, magugulat ka na lang sa mga mangyayari. Sa pag-mamahal, ang pangyayaring inaasahan mong mangyari 'yun pa ang hindi mangyayari. Dahil ang mga pangyayaring hindi mo inaasahan, 'yun pa ang nangyayari." sabi nya sabay tapik ng balikat ko at umalis sa tabi ko.

Medyo na guluhan ako sa sinabi ng kupal na 'yun, na busog ako sa mga salitang pangyayari at mangyayari -.- Pero iisa lang ang pino-point out ng sinabi nya ang mga nangyayari ngayon, ay ang pangyayaring hindi ko inaasahan.

*Maisha's POV*

Pakiramdam ko, bumalik na ulit ang dating ako :) 'Yung Maisha na masayahin, 'yung Maisha na laging naka-sigaw, 'yung Maisha na pala mura, at 'yung MaishaYAD :)

"Ang sarap ng hangin.." sabi ng lalaking may hawak-hawak ng kamay ko, at ng lalaking may hawak ngayon ng puso ko.

"H.R.. Upo muna tayo dito." sabi ko sa kanya at umupo kami malapit sa may tabi ng plaza. "Naalala mo pa ba 'yung una mong post sa MB ko?" naka-ngiting tanong ko sa kanya. Naka-tingin lang sya sa malayo, siguro iniisip nya 'yung una nyang post sa MB ko. Hahaha.

Inlove Ako Sa Unknown Reader Ko?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon