Chapter 38: Jess

849 17 6
                                    

Chapter 38: Jess

*Grey's POV*

Tatlong linggo simula nung huli naming pag-uusap ni Maisha, tatlong linggo ko na syang hindi nakaka-usap tatlong linggo ko na syang hindi nakikita, tatlong linggo na syang hindi pumapasok.

"Guys! Three days na lang graduate na kayo, kailangan nyong galingan sa practice para may isang araw kayong pahinga." sabi ng teacher namin.

'Yung iba nag-sigawan, ang iba naman na lulungkot. Tatlong araw na lang pero hindi pa rin pumapasok si Maisha, tinanong ko naman sila Lia at Aya, wala na daw silang balita sa kaibigan nila. 'Yung bahay nila Maisha sarado na daw, sabi ng kapit-bahay nila hindi na daw doon sila naka-tira..

Bakit? Bakit naging ganun na lang ang lahat? Bakit agad na lang syang hindi nag-pakita? Pilit ko syang hinahanap sa mga lugar na pwede nyang puntahan, halos araw-araw akong pumupunta sa bahay nila, nag babaka-sakali na baka nandoon na sya, baka nandoon na ang taong mahal ko pero hindi eh.. Wala pa ring Maisha Ishani Park.

"Pre, ayos ka lang?" tanong sa akin ni Kevin. Tumango na lang ako sa kanya. "Pre hinahanap ka doon ni Jess." sa higit na tatlong linggo na hindi nag-papakita si Maisha, halos araw-araw nagkaka-yayaan ang barkada na uminom sa bahay nila Lia. Dahil pinsan nya si Jess, doon kami naging magkalapit sa isa't-isa. Hindi naman sya ganun ka-arte, nag-bago na ang ugali nya. Iba na ang mga kaibigan nya ewan ko pero natutuwa ako kapag kasama ko sya.

"Alam ko ka-text ko sya eh." sabi ko na lang kay Kevin. Tumango na lang sya habang naka-ngisi.

Narinig kong nag usap-usap na naman sila at balak yata na naman nilang uminom. Okay na kami ni Phoenix, na galit ako sa kanya pero humingi sya ng tawad sa'kin naging makitid daw ang utak nya at ngayon may iba na syang na gugustuhan. Pinaliwanag nya ang lahat-lahat, lalo na ang find your true love game ni GD. Natawa na lang ako sa trip ng gagong 'yun, buti na lang wala na sya dito sa Pilipinas buti na lang nasa Korean na ulit sya, tapos na daw kasi ang tungkulin nya.. Tungkulin nyang mang-gulo sa'ming mag babarkada. Gago talaga 'yun lakas ng tama, pero nag pasalamat din ako sa kanya dahil kung hindi dahil sa kalokohan nyang 'yun hindi ako mag-mamahal ng ganito.

Wala eh, pag-ibig na talaga. Ang baduy pakinggan pero wala naman tayong magagawa ganun talaga. Kahit ako na bibilisan sa mga nangyayari. Alam nyo 'yun? Kahit sa internet kami nagkakilala ni BehindThoseClouds na si Maisha at si HopelessRomantic na ako. Iba pa rin eh, ibang-iba pa rin ang pakiramdam. Kahit pala na hindi ako nag pakilala sa kanya, nararamdaman kong mahal nya ako kahit hindi pa nya sinasabi sa akin...

Hindi pa nya sinasabing mahal nya din ako.

"Master! Sama ka sa'min huh?" sabi sa'kin bigla ni Kiel pagka-labas ng teacher namin.

"Oo!" sigaw ko sa kanya, kumunot naman ang noo nya at dahil doon mas lalo syang pumanget.

"Eto naman! Galit agad master!?" bulyaw nya sa'kin gago 'to uh.

"Ulul ewan ko sayo." sabi ko na lang sa kanya at tumayo na ako sa upuan ko na rinig ko naman na tumawa sila at sinabihan pa akong menopause na daw -.-

Lumabas ako ng classroom namin at tinignan sa kabilang classroom kung saan nandoon si Jess, buti na lang wala na din silang teacher. Nakita ko naman syang nag-bubura sa blackboard nila.

"Jess!" naka-ngiti kong tawag sa kanya. Lumingon naman sya sa gawi ko at ngumiti sa'kin. Binitawan nya ang pambura at lumapit sa'kin.

"Oh bakit? Miss mo na ako 'no? Haha!" pang-aasar nya, lagi naman syang ganyan kaya na sanay na rin ako sa kanya.

"Haha. Baliw hindi 'no! Asa ka naman. Sasama ka ba mamaya sa kanila?" tanong ko sa kanya habang na tatawa. Nag-pagpag naman sya ng kamay nya habang naka-ngiti at tumango-tango pa ito.

Inlove Ako Sa Unknown Reader Ko?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon