Chapter 34: The Unknown Reader?
*Maisha's POV*
"Peps! Bakit lagi ka na lang tulala dyan? Hindi ka na sumisigaw, minsan ka na lang sumama sa galaan, tapos parang lagi ka pang malungkot dyan. Ano ba ang problema mo?" tanong sa akin ni Lia.
Nandito kami ngayon sa canteen, medyo iwas na nga ako sa kanila. Dalawang linggo na ang nakaka-lipas, dalawang linggo na ako hindi nag wa-wattpad. Iwas na din sa mundo ng wattpad, masyado na kasing magulo, kailangan ko naman ng pahinga. Tapos may problema pa.
"Wala." sabi ko sabay ngiti. Pero 'yung ngiti na 'yun isang pekeng ngiti. Pinipilit kong maging masaya, pero hindi ko yata kaya.
"Peps keri lang ba? Bakit na mumutla ka?" sana hindi nila mapansin... sana...
"Mainit lang kasi. Hehehe." pag-sisinungaling ko.
"Weeeeee? Sus! Hahahaha." buti pa ang mga kaibigan ko masaya, sana ganyan din ako ngayon, sana masaya din ako ngayon.
Nag kukwentuhan lang silang dalawa, pero ako tahimik lang, marami akong iniisip, maraming problema, masyado ng magulo ang lahat. Simula 'nung naging buhay ko ang wattpad, naging ganito ako. Nahihirapan na ako sa nararamdaman ko, hirap na hirap na ako. Hindi dapat ganito eh, pero nandito na. Hindi ko na mapipigilan.
"Peps! Alam mo na ba?" na bigla ako sa tanong ni Lia, tumingin ako sa kanya, naka-ngiti lang sya.
"Ang alin?" kinakabahan ako, hindi ko alam kung bakit.
"Basta! Hahaha. Tara na, punta na tayong room." sabi nya sabay nag bulungan pa sila ni Mia. Napa-iling na lang ako sa kanila.
Habang nag-lalakad kami, puro daldal lang silang dalawa. Halatang masaya sila, going strong pa rin ang mga relationship nila. Buti pa sila biniyayaan ng mga matiwasay na lovelife.
"Pep---Nasaan na sila?" naka-yuko kasi ako habang nag-lalakad, pag tingin ko sa mga kasama ko, wala na sila, parang bula.
Ako na lang mag-isa, napangiti ako sa sarili ko. Nag-iisa na lang ako, alam ko balang-araw iiwan din ako ng lahat, pero ang kinatatakutan ko.... baka sila pa ang iwan ko.
Nasa 4th floor na ako, kung saan kami naka-room. Tahimik ang paligid, parang walang mga gagong estudyante. Habang nag-lalakad ako papunta sa room namin, bigla na lang bumilis 'yung tibok ng puso ko. Ba--bakit? Hinawakan ko ang door knob ng pintuan namin, pagka-bukas na pagka-bukas ko. Isang lalaki ang bumungad sa'kin, may hawak syang tatlong piraso ng bulaklak at naka-ngiti sa harap ko.
"Phoenix?" tawag ko sa pangalan nya.
*Dug... Dug... Dug...*
'Yung tibok ng puso ko, 'yung nararamdaman ko.. Ganitong-ganito.. Hindi kaya....
BINABASA MO ANG
Inlove Ako Sa Unknown Reader Ko?
Teen FictionWattpad Writing stories Readers.. Oh wait.. Unknown reader?