Chapter 32: Don Romantiko's POV

897 29 18
                                    

Y/N: Hindi ko alam kung sino ang paniniwalaan nyo :') Bahala na kayong humusga. :p Lewls.


***
Chapter 32: Don Romantiko's POV

DonRomantiko: Hahaha. Ewan ko sa inyo, aalis na ako. May gagawin pa ako eh. Babye ulap :) <3


Pag ka-tapos ko 'yun i-post sa message board nya nag log-out na ako at isinara ang laptop ko. Inilagay ko 'iyon sa tabi ng kama ko, at na higa na ako.

Sabi ko may gagawin ako, 'yun ang paalam ko sa kanila. Pero ang gagawin ko lang naman 'yun ay ang isipin sya. Isipin ng isipin ng isipin.


Isipin kung paano ako na inlove sa kanya.


Isipin kung bakit sya pa.

Isipin kung sya ba ang hinahanap ko kaya ako gumawa ng wattpad account.

Hindi ko alam kung paano 'ko ihahayag yung nararamdaman ko sa kanya. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin, hindi ko alam kung saan ako mag-sisimula. Tanging ang alam ko lang...


Mahal ko sya.

Takte --, masyado naman akong madrama. Romantiko ako, isa akong suaveng romantiko. Tsh, dapat pala cool. Hindi madrama. --,


Napunta talaga ako sa wattpad dahil sa may na pulot akong notebook. Napulot ko 'yun sa isang lugar kung saan ako madalas tumambay pag gusto ko mag-isa. Ibabalik ko sana sa may-ari pero walang pangalan, isang pink na notebook 'yun. Tapos yung mga naka-sulat doon parang isang kwento. Mali, kwento talaga sya, kwento ng dalawang taong nag-mamahalan. Walang title ang naka-lagay doon. Yung ibang chapter hindi naka-lagay doon, kaya hindi ko mawari kung ano talagang kwento 'nun. Simula nung nakita ko ang notebook na 'yun, pakiwari ko kilalang-kilala ko ang may-ari 'nun, para bang biglang tumibok 'yung puso ko, takte tumitibok pala ang puso ko pag hindi tumibok sempre patay na ako 'nun --,
Basta yung pakiramdam na bumilis lalo 'yung tibok ng puso ko, akala ko nga may sakit na ako --, agad-agad? Tsh. Muka na akong tanga, sarili ko binabara ko. =.=

Simula nung nabasa ko ang ibang nakalaman doon, 'nag kagusto na ako agad sa kanya.' Yung sa mga sulat pa lang nya alam kong mabait sya, sabi nga ng iba hindi mata ang pinaiiral pag nag-mamahal. Kundi ang puso diba?

Hanggang sa mga classmate ko naririnig ko ang website na 'wattpad'. Tinanong ko kung porn site ba 'yun pero isang website pala kung saan may iba't-ibang klaseng kwento. Naramdaman ko na naman ang pag-bilis ng tibok ng puso ko, sabi ko sa sarili ko noon.


Baka doon ko na sya matagpuan.


Kaya na buhay si DonRomantiko, si DonRomantiko na isang misteryoso, ayokong makilala ng iba, hindi na mahalaga ang katauhan ko. Hindi na mahalaga kung sino ba talaga ako. Ang mahalaga yung...


Mahanap ko sya.


Naging kaibigan ko si BehindThoseClouds, yung ulap ko. Tuwing nakaka-usap ko sya, yung pag-tibok na puso ko noong una kong nakita ang notebook. Ganun ang nararamdaman ko sa kanya. Una pa lang nag hinala na ako, baka 'sya na ang hinahanap ko.'

Pag wala akong magawa, nag-babasa ako ng mga kwentong ginawa nya. Magaling syang manunulat, marami syang kaibigan, mabait sya, ibang-iba sya sa mga babaeng nakilala ko. Isang kwento na lang nya ang hindi ko pa nababasa, masyado na kasi syang maraming nagawang nobela. Medyo busy na ako ngayon kaya hindi na ako nakaka-basa ng mga gawa nya. Pero atleast nakaka-usap ko pa rin sya.

Si HopelessRomantic, hindi ako nagagalit sa kanya. Pero nag-seselos ako, dahil sya ang unang nakilala ni ulap ko, sya ang unang naging kaibigan at sya ang mas close.

Nag-seselos ako, dahil mas sweet sila parang isang mag kasintahan, pero sa pag kaka-alam ko, isang misteryoso rin si HopelessRomantic. Una pa lang, nararamdaman kong ayoko sa kanya.

Hindi dahil sa pinag-seselosan ko sya, dahil parang may tinatago syang kakaiba.

Unang mission ko, hanapin yung taong mahal ko, hanapin yung may-ari ng notebook na napulot ko. Nararamdaman kong malapit ko na syang makilala, o baka naman kilala ko na talaga sya.

Isang mission na lang ang gagawin ko, at pag nag tagumpay ako mag papakilala na ako kung sino ba talaga ako.


Pag nakilala ko na kung sino si HopelessRomantic, at kung ano ang itinatago nyang kakaiba sa pag katao nya.

Mag tagumpay lang ako dyan. Sasabihin ko kung sino ba talaga ako.


"Hoy! Kanina ka pa namin hinihintay, tuloy tayo ngayon."

"Sige, mag bibihis lang ako."

"Bilisan mo dyan

Phoenix."

***

Naki-OL sa PC ng classmate ko. :)

Watcha say? :"> Si Phoenix ba? Balikan nyo ang isang chapter yung kay DonRomantiko. Baka may clue kayo doon. XD

Salamat sa mga nag babasa :)

-Yeppeun ♥

Inlove Ako Sa Unknown Reader Ko?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon