Chapter 23: Party and This Moment ♥
*Maisha's POV*
''Kyaaah! Peps! Buti naman at nakarating ka na din! Whoaa!'' salubong sa akin ni Lia habang may hawak-hawak na baso at sumasayaw pa ang ulo, anong sayad meron ang babaeng ito? -___-
Tinignan ko naman sya mula ulo hanggang at napa-taas kilay ko. Alam ko na kung bakit ganito ito umasta ngayon. ''Kanina ka pa umiinom 'no?'' sabi ko sabay kuha ng baso nya at dere-deretso ko ito ininom.
''Whoaa. Iba pa rin ang isang Maisha! Hahaha.'' natatawang saad ni Lia.
''Nasaan si Aya?'' tanong ko habang kami ay nag lalakad papasok sa loob ng bahay ni Lia.
May kalakihan ang bahay ni Lia at wala akong alam kung anong meron sa araw na ito at bakit may ganitong party?
''Peps, ano bang meron ngayon?'' tanong ko habang papalapit kila Aya. Kasama naman nya sila Kevin, Kiel, Phoenix at Asul.
Napatingin naman sila sa amin at kumaway. Ganun naman ang ginawa ni Lia. ''Yung pinsan ko umuwi kasi. Kaya party-party na rin ^____^'' sabi nya bago pa kami tuluyan maka-lapit sa kina-uupuan nila Aya.
Umupo naman ako sa tabi ni Aya dahil yun na lang ang bakanteng upuan. Binati naman ako nila.
''Tagay ka naman.'' sabi sa akin ni Kiel sabay abot ng vodka at chaser.
Tinanggap ko naman ito at tuloy-tuloy na ininom.
''WHOAAAA.'' sabay-sabay na bigkas nila na may pagka-mangha.
''Hahahaha! I told you guys! Malakas uminom si Maisha! Hahahaha.'' natatawang sabi ni Aya.
''Sa akin nga natuto nyang dalawa na yan! Haha.'' sabi ko naman sa kanila.
Nag kwentuhan lang sila doon at kami-kami lang ang nandito sa 'so-called-party' ni Lia for her cousin.
''Teka peps, sinong pinsan mo yu---'' hindi na natuloy ang sasabihin ko ng biglang may dumating na babae.
BINABASA MO ANG
Inlove Ako Sa Unknown Reader Ko?
Teen FictionWattpad Writing stories Readers.. Oh wait.. Unknown reader?