Chapter 27: This 'Love'

978 28 4
                                    

Chapter 27: This 'Love'

*Maisha's POV*

''Umma, sino ang nag hatid sa akin dito sa bahay?'' tanong ko kay Umma, habang kami ay kumakain sa hapag-kainan.

Nagising na lang kasi akong nasa kwarto na. Hindi na gaano masakit ang ulo ko. Hindi pa ako nakakapag-pasalamat kay Grey.

''Unni! Yung lalaking matangkad, maputi, matangos ang ilong! Kyaaaah! Unni! Ang pogi nyaaaa! *O*'' sabi ni Bella na parang talagang kinikilig >3<

''Hahaha. Anak, mag seselos nyan si Santino :p'' sabi naman bigla ni Oppa sabay dila kay Bella. Si Santino kapit-bahay na kalaro ni Bella.

''Oppa! Santino is my boy friend.''

''ANO!? BOYFRIEND!?'' napasigaw ni Oppa.

''Hahaha. Oppa boy na friend. Kayo po talaga.'' sabi naman ni Bella habang umiiling sabay subo ng pagkain. Medyo naka-hinga naman ng maluwag si Oppa sa sinabi ni Bella. =__=

''Anak, boyfriend mo ba si Grey?'' tanong bigla sa akin ni Umma.

Buti na lang wala akong kinakain kung hindi baka nagkaroon ng fireworks =___=

''Umma, porket hinatid boyfriend agad? Hindi ba pwedeng classmate muna?''

''Eh doon na rin papunta yun. Basta boto kami sa kanya. Ang pogi nya anak!'' sabi naman bigla ni Umma. Napatingin sa kanya si Oppa ng masama. ''Sempre ang pogi nya para sayo anak, hehehe.'' biglang bawi -__-

''Oh tama na ang kwentuhan kumain na kayo dyan.'' awat sa amin ni Oppa.

Habang kumakain kami hindi mawala sa isip ko ang pag-asikaso sa akin ni Grey. Lalo na ang pag sakit ng ulo ko @.@ parang binibiyak sa sobrang sakit. >3<

*Phoenix's POV*

Inlove Ako Sa Unknown Reader Ko?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon