Chapter 33: SekretoLangIto
***
*Grey's POV*
Habang tinatago ko 'yun notebook, bigla na lang pumasok sila Kevin at Kiel sa kwarto ko at sabi pa nila tuloy daw kami sa pupuntahan namin.
"Bilisan mo dyan Phoenix." sigaw ko. Nandito rin kasi sya sa kwarto ko, kaso nasa C.R sya ngayon, nakiki-ligo ang baho na daw kasi nya --,
"Oo eto na." sabi nya habang lumalabas ng C.R "Oh kaninong notebook yan at kelan ka pa nahilig sa kulay pink? Hahaha." dugtong nya. Alam ko nya kasi na hindi ako mahilig sa kulay pink at sino ba naman gago na isang gwapong katulad ko mahihilig sa kulay pink diba? =.=
Hindi ko pwede aminin sa kanya kung kanino 'to, hindi ko pwede sabihin sa kanya ang nangyayari ngayon. Kahit kanino hindi ko pwedeng sabihin, hindi muna ako mag titiwala sa mga taong nasa paligid ko baka kasi isa sa kanila ang may alam sa mga nangyayari.
"Wala." iyon na lang ang sinabi ko at lumabas na ako ng kwarto.
*Phoenix's POV*
Ako! Ako ang unang naka-kita ng notebook na 'yun. Ako ang unang naka-pulot ng notebook na 'yun pero bakit nasa kanya? Bakit sya ngayon ang may hawak ng notebook na 'yun? Hindi kaya sya si.... Hindi pwede, hindi maaari..
*Maisha's POV*
Naka-online ako ngayon sa wattpad, at naka pag update na ako. Wala akong gana ngayon ewan ko kung bakit kasi madalas ng sumasakit yung ulo ko.. Hindi ko na lang sinasabi kila Umma at Appa, ayoko kasing mag-alala pa sila.
*SekretoLangIto started following you*
May nag follow na naman sa'kin. Bakit ganito? Unknown na naman ba sya? Tapos anong mangyayari? Magiging close kami tapos maiinlove din ako sa kanya? Tangina! Nakaka-sawa na, wala na bang bago? Bakit ganito ang mundo?
Pumunta ako sa profile niya.
SekretoLangIto
Name: Ssshhh..
Location: Hell
Member Since: March 22, 2013
About Me:
Isa akong sekreto, at isa akong makiki-gulo sa buhay mo.. buhay nyo >:) Kilala mo kung sino ka.
-Ssshhh..
"Hi..hindi kaya ako ang tinutukoy nya?" bigla na lang ako nakaramdam ng kaba, at takot.
Bakit naman ako mag-aapektuhan? Ako lang ba ang may ganitong unknown readers sa wattpad? Bakit ba nangyayari sa'kin ito? Bakit ba ganito ang mga nangyayari sa'kin? Hindi ba pwedeng magkaroon na lang ako ng mga readers na kilala ko talaga at totoo sila?
BINABASA MO ANG
Inlove Ako Sa Unknown Reader Ko?
Teen FictionWattpad Writing stories Readers.. Oh wait.. Unknown reader?