Chapter 40: Second to the last page.

945 30 11
                                    

Chapter 40: Second to the last page.

*Grey's POV*

"Nurse? Saan ang kwarto ni Maisha Ishani Park?"

"Uhm.. Room 153 po sir."

Pagka-rinig ko 'nun kumaripas agad ako ng takbo, nararamdaman ko naman na sumusunod lang sa akin ang barkada.

Sa tatlong taon...

Nasa ospital lang pala si Maisha, natanggap namin ang text ni Phoenix sinabi nya kung saan si Maisha naka-confine ngayon. Agad-agad naman kaming pumunta sa ospital, ayoko ng mag-sayang ng natitirang oras.. Ayoko na...

"T-Tita." bulaslas ni Lia.

Kung hindi ako nag-kakamali, ito ang mga magulang ni Maisha. Gulat na gulat sila pagka-kita sa'min. Sino bang hindi magugulat? Tatlong taon nilang itinago sa amin si Maisha.

Nag-punas ng luha ang mama nya, 'yung kapatid nyang si Bella, humihikbi yakap-yakap 'yung manika nya, ang papa naman ni Maisha naka-yuko lang habang naka-upo sa gilid ng pinto.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, biglang nag-iba ang kutob ko...

Wag naman sana...

Wag naman...

"T-tita? Nasaan po si Maisha?" pumipiyok na ang boses ni Aya, kanina pa sila iyak ng iyak. Hindi pa patay si Maisha, wag nyong iyakan..

Hindi sya mamamatay..

Sana...

Hindi nag-salita ang mama ni Maisha, tumingin na lang ito sa gawi ng pinto. Agad naman nag punta doon si Aya, bigla syang napa-takip sa bibig nya at mas lalong lumakas ang agos ng mga luha sa mata nya.

Wag naman kayong ganyan...

Lumapit sila Lia, Kevin, Kiel at Jess. Ganun din ang reaction nila, gulat na gulat sila. Tumingin sa akin si Kevin, halatang hinihintay ang mga susunod kong gagawin.

Nag-lakad ako ng tatlong hakbang papalapit sa kanila pero huminto rin ako at tumalikod.

Kailangan ko Sya..

Sya lang ang makaka-tulong sa aming lahat.

"Grey! Saan ka pupunta!?" sigaw sa akin ni Kiel, pero hindi ko sya pinansin nag-patuloy lang ako sa pag-lalakad.

Hinahanap ko kung saan matatagpuan ang chapel.

Matagal-tagal na rin pala akong hindi nakikipag-usap sa Kanya, at ngayon makikipag-usap ako dahil may kailangan ako.

Nag-lakad ako patungo sa altar ng chapel, kokonti lang ang taong nandoon, lumuhod agad ako sa harapan Nya.

Sa pag-pikit ng mga mata ko, may pumatak na luha galing doon.

"K-kamusta na? Pasensya na kung ngayon lang ako nakipag-usap ulit sayo. Pasensya na kung lalapit ako sayo dahil may hihilingin ako." para na akong tanga pero para kay Maisha gagawin ko lahat... Lahat-lahat... "Hindi na ako mag-tatagal, ayoko mag sayang ng oras. Mabait ka naman diba? Sabi nila kaya mo daw gumawa ng himala. Pwede bang gawin mo 'yun? P-pwede ba?" bigla na lang akong na piyok. Idinilat ko ang mga mata ko, napa-ngiti ako ng mapait. Traydor talaga ang mga luha. "P-pwede bang makasama ko pa sya? Kahit isang linggo, isang buwan, mas maganda kung isang taon." ang gago ko makipag-usap sa Kanya, nakikinig kaya Sya? "Sige na, alis na ako baka hinihintay na ako ng taong mahal ko." pagka-sabi ko 'nun tumayo agad ako, pagka-talikod ko bigla ko na lang nakita si Kevin sa harapan ng pintuan ng chapel.

Nag-lakad ako papunta sa kanya, nakita ko naman na naka-ngiti sya. "Ngayon ko lang nakita na ang isang Grey Ryker Lee ay umiiyak." sabi nya habang umiiling.

Inlove Ako Sa Unknown Reader Ko?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon