Chapter 25: Ang mga Romantiko

997 36 20
                                    

Chapter 25: Ang mga Romantiko

*Maisha's POV*

''Maishayah! Matulog ka na dyan!''

''Mamaya na po Umma! Ang ingay pa kaya sa labas!''

''Anong maingay? Eh tapos na ang new year! Mag tigil ka nga dyan!''

 

 

''Opo!'' 

Esh! Nakaka-inis naman si Umma, nung nakita nyang bubuksan ko dapat ang laptop saka sya mag sasalita ng ganun tapos matutulog na daw? Eh nag puputukan pa yung iba kahit alas-tres na ng madaling araw!

*Bzzt.. Bzzt.. Bzzt*

Biglang nag vibrate ang cellphone ko at tinignan ko naman kung sino ang nag text.

*Peps-Lia♥*

Message: Kyaaah! Peps! Happy new year! Bukas na tayo mag celebrate uh!? Yieee! Loveyou! <3

Napailing na lang ako sa text nya, marami rin bumati sa akin pati na rin si Aya, halos parehas lang sila ng text ni Lia =='' baka finorward lang ng bruhang yun tamad talaga mag text.

Nilagay ko na ulit ang aking cellphone sa tabi ng unan ko, at binuksan ang laptop. Babatiin ko rin kasi ang mga kaibigan ko sa wattpad :)

Ilang linggo na rin ang nakaka-lipas ang daming nangyari at ang daming na bago. 2013 na pero pakiramdam ko 2012 pa rin, kasi tulad noon nakaraang taon hindi pa rin talaga nag papakilala sila HopelessRomantic at si Don Romantiko.

Binuksan ko na ang facebook, wattpad at tumblr ko. Una ko muna binati ang mga Tropang Watty :) Sila ang family ko sa Facebook group, masaya dyan sa group na yan. Dyan ko nakilala ang mga tunay na kaibigan kahit hindi kami nag kikita :)

Sunod kong binati ang mga kaibigan ko naman sa wattpad at ang pang huli, sa tumblr naman.

Nag update na ako bilang New Year's gift ko sa mga readers ko :)

Maya-maya biglang may nag post sa MB ko.

Inlove Ako Sa Unknown Reader Ko?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon