Chapter 37: Destiny?
*Maisha's POV*
"Peps! Nasaan si Phoenix?" tanong ko kay Aya. Ngumisi naman sya sabay bulong sa katabi nyang si Lia -.- Sige mag bulungan lang kayo dyan -.-
"Ayie! Hinahanap! Hahaha!" sabay nilang sabi at nag tawanan pa ang mga loka-loka.
Umiling na lang ako at lumabas ng classroom namin, buti na lang wala pa kaming teacher ngayon may meeting daw kasi isang buwan na lang gagraduate na kami ng high school at isang buwan na lang iiwan ko na sila...
Umupo ako sa may corridor namin, biglang bumalik 'yung mga ala-ala ko noong nag-sisimula pa lang ako sa wattpad, bumalik 'yung mga araw na nag-susulat ako sa pink kong notebook, bumalik 'yung mga araw na si H.R lang ang tanging nag-iisang reader ko...
Kelan ko ba sya makakalimutan?
Kelan ba sya mawawala sa ala-ala ko?
"Maisha." medyo na gulat ako sa tumawag sa pangalan ko. Lumingon ako sa kaliwa.
"Grey." usal ko sa pangalan nya.
Umupo naman sya sa tabi ko, may bakas na pagka-lungkot sa mga mata nya.. Ewan ko pero pakiramdam ko na lulungkot din ako.
"Kamusta?" tanong nya sa'kin.
Eto nasasaktan. "Okay lang." naka-ngiti kong sagot sa kanya, gusto kong sabihin na hindi ako okay, gusto kong sabihin na nasasaktan ako. Pero wala naman dahilan para sabihin ko sa kanya, hindi naman mawawala ang sakit na nararamdaman ko pag sinabi ko sa kanya.
Nakita ko naman na ngumiti sya at umiling. "Alam mo bang sabi sa'kin ni Kevin, pag tinanong mo ang isang tao kung kamusta na at ang sinagot ay 'okay lang' yan daw ang mga taong nasasaktan." makahulugang sabi nya.
Umiling naman ako sabay tingin sa kanya. Nakita kong pinaglalaruan nya ang maliit na bato sa harapan nya. "Minsan kasi kahit na nasasaktan na ang isang tao, hindi pwedeng sabihin sa iba kasi minsan sila pa ang dahilan kung bakit nasasaktan." sabi ko sa kanya.
Bigla naman syang tumingin sa'kin. "Kamusta na kayo? Kayo ni Phoenix?" tanong nya sa'kin. Umiwas naman ako ng tingin sa kanya.
"Kami? Ewan.. Hindi ko alam." naka-yuko kong sabi.
"Naniniwala ka ba sa destiny?" biglang tanong nya. Napa-angat naman ako ulo ko sabay tingin sa kanya. Bahagya akong na tawa.
"Destiny? Hahaha. Kalokohan lang 'yun, walang destiny." sabi ko sa kanya habang na tatawa.
Umiling naman sya. "Hindi ka naniniwala kasi hindi mo pa nararanasan." seryosong sabi nya.
Bigla naman syang tumayo. "Uy saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya, hala! Baka na galit sya?
"May ipapakita ako sayo." huling sabi nya sabay pasok sa classroom namin.
Bigla naman akong kinabahan sa kung anong ipapakita nya, esh ano ba 'yan kung ano-ano na iisip ko -.-
"Oh bilis uh." ngumiti lang sya sa'kin at umupo ulit sa tabi ko. "Nasaan na ang ipapakita mo?" tanong ko sa kanya.
Bigla naman nyang tinaas ang kanang kamay nya at may hawak syang isang pink na notebook..
'Yan 'yung notebook na pinag-susulatan ko ng mga updates ko noon.
'Yan 'yung notebook na naiwan ko sa isang coffee shop nung umuulan.
'Yan 'yung notebook ko..
Bakit nasa kanya?
Bakit hawak-hawak nya?
Gulong-gulo na naman ako, kelan ba matatapos ang mga nangyayaring ganito? "BTC." usal nya.
BTC na naman, si HopelesRomantic lang ang tumatawag sa'kin nyan, alam ko hindi na si Phoenix si H.R at alam kong may idea na sya na alam nyang alam ko na ang mga nangyayari kaya hindi sya pumasok ngayon..
Pero...
Hindi kaya...
"I-ikaw?" mautal-utal kong tanong sa kanya.
Ngumiti naman sya at tumango sa'kin..
Dapat ko ba syang paniwalaan?
"Nag-dududa ka ba? Alam ko mahirap ng maniwalaan. Pero Maisha, pumikit ka.." sa hindi malaman na dahilan sumunod ako sa sinabi nya. "Ilagay mo kaliwang kamay mo sa puso mo." itinaas ko ang kaliwang kamay ko at nilagay doon. "Pakiramdaman mo ang sinasabi ng puso mo.. Wag mong sundin ang isip mo.. Sundin mo ang isinisigaw ng puso mo."
Hindi ko alam pero unti-unting pumatak ang mga tubig sa mga mata ko. "Dumilat ka Maisha." pagka-sabi nya 'nun napa-dilat ako, na kita kong naka-ngiti lang sya sa'kin.
"Naniniwala ka na ba?" tanong nya.
Tumango naman ako habang naka-ngiti. "Ang daya mo hindi ka na nag update." biro nya sa'kin.
Natawa naman ako sa sinabi nya. "Inactive kasi ako." naka-ngiti kong sabi sa kanya.
Lumapit naman sya sa'kin at bigla akong niyakap.
*Dug... Dug... Dug...*
"Btc, mahal kita."
Mali.. Hindi pwede...
Unti-unti kong tinanggal ang pagkaka-yakap nya sa'kin.
Umiling-iling ako.
"Ayoko.. Hindi pwede..." sabi ko sa kanya sabay tumayo ako sa kinauupuan ko at mabilis na kinuha ang bag ko sa loob ng classroom namin.
"B-bakit?" tanong nya.
"Hindi pwede..." sabi ko sa kanya at tumakbo na ako.
Siguro nga may tadhana..
Siguro nga nararanasan ko na ito..
Pero...
Pinag-lalaruan kami ng tadhana...
***
Ayan, dalawang update :) Bait ko 'no? HARHAR. XDD
Kyah, nararamdaman ko na ang pag-tatapos nito. Haha! May twitter account na pala ako =) Active ako doon, chika-chika tayo! *U* @YeppeunB
Vote and Comment :) <3
BINABASA MO ANG
Inlove Ako Sa Unknown Reader Ko?
Teen FictionWattpad Writing stories Readers.. Oh wait.. Unknown reader?