EPILOGUE: Last Page

1K 32 18
                                    

EPILOGUE: Last Page

*Maisha's POV*

"Nakaka-inis ka naman Grey! Bakit tragic ang ginawa mong ending!?"

"Okay na 'yun para masaya tska para maiba naman nakaka-suka na nga 'yung love story natin habang ginagawa ko 'yan."

"Eh gusto ko kasi happy ending! Bwisit ka naman!"

"Teka nga! Sino bang writer ng kwentong 'yan?"

"I-Ikaw! Pero may karapatan pa rin akong mag desisyon kung happy ending o tragic ending ito!"

"Edi ulitin mo, isulat mo ulit, hindi ko pa napapasa kay boss 'yan, bukas pa lang."

"Eh ayoko! Nakaka-tamad!" sabi ko sa kanya sabay pinatay ko na ang computer namin.

Naiinis ako sa asawa kong 'to! Kung hindi dahil sa akin, hindi sya magiging writer! Ako ang unang writer, itinigil ko lang dahil sya na ang nag-tuloy hindi ko naman aakalain na sa unang kwento nyang i-publish sa libro ay kwento ng love story namin.

Naramdaman ko naman na niyakap nya ako mula sa likod, ayan.. Dyan sya magaling sa yakap-yakap! Puro yakap sa last chapter eh.

"Sorry na.. Wag ka ng magalit, baka paglihian mo pa ang baby natin sa sama ng loob sige ka." sabi naman nya, bigla ako na tawa at hinampas ng mahina ang kamay nya at humarap ako sa kanya.

"Pero, hindi naman magiging tragic ang love story natin sa totoong buhay diba?" tanong ko sa kanya.

"Oo naman, hinding-hindi." sabi naman nya habang umiiling.

"Bakit ba 'yon ang na isipan mong gawin na kwento?" bigla kong tanong sa kanya.

"Eh kasi mahal na mahal na mahal kita BTC." naka-ngiti nyang sabi sa akin.

"Weee? Hahaha. Sempre mahal na mahal din kita H.R." naka-ngiti ko rin na sabi sa kanya, hinalikan naman nya ang noo ko.

"Teka, anong title pala ng i-pupublish mong libro?"

"Inlove Ako Sa Unknown Reader Ko?"

-END-

***

BASAHIN PO ANG AUTHORS NOTE PLEASE :)

Inlove Ako Sa Unknown Reader Ko?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon