Chapter 35

12 5 0
                                    

•••

Zile's POV

"Hindi mo pa rin ba siya kakausapin?"

"Para saan pa Louie?" sagot ko naman.

"It's almost 2 weeks at bukas na kayo aalis pero hindi mo pa rin ipinapaalam sa kanya ang desisyon mong pag-alis." aniya.

"Hindi ko kayang humarap sa kanya, Louie. Natatakot ako at kinakabahan."

"You need to overcome that fear Zile. Kahit man anong mangyari, naging kaibigan mo pa rin siya at kailangan niya ring malaman na aalis ka na. Kailangan ding magkalinawan na kayo sa mga nararamdaman niyo." saad niya saka sumubo ng fries. Si Karylle naman ay tahimik lang sa tabi habang nakikinig.

Alam kong nagdadamdam siya dahil sa pag-alis ko and I can't take that side of Karylle. She's the happiest person I know and met kaya apektado ako sa pagiging malungkot niya pero alam kong naiintindihan niya kung bakit ako aalis.

"Zile, talk to Aaron. He deserve to know everything at gaya ng sabi ko, para magkaunawaan na din kayo sa nararamdaman niyo sa isa't isa." sambit ulit ni Louie.

"What do you mean by that? Mas malinaw pa sa tubig ng boracay yung nararamdaman niya sa'kin. Hindi niya ako mahal." dismayado kong sabi.

"No, Zile. Wala siyang sinabing gano'n."

"Gano'n na 'din 'yon Louie." pagdedepensa ko.

"No It's not." sabat bigla ni Karylle. "Kailangan nga sigurong maliwanagan yang puso at isipan mo. Komprontahin mo siya para malaman mo Zile, hindi yung nanghihinala ka na naman. Walang mangyayari sainyo kung nagpapataasan kayo ng pride. Hindi kayo magkakaliwanagan kung hindi kayo mag-uusap nang masinsinan. Base kasi sa kwinento mo, hindi naging malinaw lahat. Pinagbabasehan mo lang 'yung mga sinabi sa'yo ni Asila not minding na pwede siyang magsinungaling. May side si Aaron and you need to know that. Saka ka maniwala kung kay Aaron na mismo manggaling 'yung mga 'yun, alam kong masakit kung sakaling totoo pero you need to accept it, hindi natin hawak ang desisyon at puso ng isang tao, hindi tayo ang magkokontrol pero ikaw naman 'yan. Whether maniniwala ka sa pinagsasasabi ni Asila o sa side ni Aaron." mahabang litanya ni Karylle. She's serious, freaking serious! and it's creeping the hell out of me.

Ngayon ko lang siya narinig na magsalita ng gano'n kahaba at kaseryoso.

"K-Kailangan k-ko nga ata. I'll try it don't worr——"

"Don't try it. Do it Zile." seryosong sabi ni Karylle.

"O-Okay.."

"Don't worry Zile. We're still here until the end of your stay here. Hindi ka namin iiwan kaya kahit ano mang mangyari, nandito kami sa likod mo at pwede mo kaming takbuhan." pampalubag loob na sabi ni Karylle. Lumambot yung itsura niya kaya alam kong ito na ulit uung Karylle na kilala ko.

"Ako na bahala sa meet up niyo ni Aaron. Kumain ka na diyan kasi hindi mo na ginalaw yang inorder mo." singit ni Louie saka nagtype sa cellphone niya. Binaba naman niya agad saka kumain. Kinain ko na rin yung pagkain ko.

It's almost 2 weeks since that day. Sa 2 weeks na 'yon ay wala akong ibang ginawa kung hindi ang umiyak at magmukmok sa kwarto. Hindi na rin ako pumasok sa Unibersidad pagkatapos ng 1 week kasi kailangan ko nang maghanda.

✓Bitag ng Tadhana • COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon