Chapter 21

26 14 0
                                        

•••

Zile's POV

"So ano ngang nangyari Zile?" tanong agad sa'kin ni Louie nang makaupo kami dito sa loob ng Pizza Parlor nila Necole, but unfortunately wala si Necole kasi busy daw siya sabi ng Mama niya na ngayon na siyang nag-aasikaso ng bussisness  nila. Nag-oorder naman si Karylle ngayon kaya kaming dalawa ni Louie ang naiwan sa Table.

Wala namang nangyari kanina nang maiwan kaming 4 kasama si Sky para mag-usap. Nanghingi lang ng patawad sila Louie dahil hindi sila nakarating sa Bar Party ni Sky and I'm lucky with that dahil hindi nila nasaksikhan ang nangyari sa gabing yon pero mukhang mapapasubo ako ngayon dahil kailangan kong harapin ngayon si Louie. Mabuti at wala siyang alam kanina kaya walang nangyaring masama kay Sky, knowing Louie na palaban at walang tinotolerate na kamalian at sa kaso ko ay hindi lang basta pagkakamali kundi ay isang malaking kasalanan na pinalampas ko lang dahil ayoko na ng gulo.

"Wala naman kasing nangyari, nag-inuman lang naman non tapos ayun nalasing ako" diretsiyong sabi ko pero hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. Natatakot kasi ako na baka mabasa niya sa mata ko ang pagsisinungaling.

"Don't Lie to me Zile..." seryoso niyang sabi. "Don't pressure yourself, basta ayoko lang na mahaharass ka dahil sa kalasingan mo, Understand?" seryoso paring sabi niya na nagpanindig ng balahibo. Napalunok nalang ako napatingin sa kanya at saka tumango. Pag si Louie talaga ang nasalita tagos sa kaluluwa yung nakakatakot niyang Aura.

"Na 'san na ba si Karylle ba't ang tagal non?! nagugutom na ako eh!" naiinis niyang sabi na nagpaluwag ng dibdib ko, buti nalang at nawala na ang atensyon niya sa pinag-uusapan namin kanina at nabaling sa doon sa pagkain.

KUMAKAIN kami ngayon ng Pizza, meron ding Special Lomi at chicken Wings. Grabe talaga ang mga bussisness ng mga kakilala ko pagdating sa pagkain... Uhmmmmmmm yummmyyyy!

"Babalik paba kayo sa Campus?" tanong ni Karylle sa kalagitnaan ng pagkain namin.

"Babalik pa ako kasi may kukunin pa ako pero uuwi na din agad" sagot ni Louie.

"Shame hure hehehehe"(same here) sabi ko kahit pa puno ng pagkain yung bibig ko.

"Yuck Zile! your mouth is full kaya don't talk it's kadiri!" sabi ni Karylle ng may pagkadisgusto sa mukha.

"Ang Conyo mo Karylle, Sa'n mo natutunan yan?!" naiiritang sabi ni Louie.

"Ginagaya ko ang lang doon sa haliparot na mukhang higad--- este doon sa babae ni Nick---- I mean doon kay Mika"

"Eh bakit mo namang ginagaya?! mukha kayang t*nga, alam mo ba yun!?" naiinis na sabi ni Louie nang may kunot ang Noo.

"Baka kasi mapansin din ako ni Nick pagganon ako magsalita...kasi ganun magsalita yung babae niya eh!" sagot ni Karylle atsaka nagpout. Okay mukha siyang pato diyan.

"Letche ka Karylle wag mong gayahin yun! di mo ka level yun! Wag mong ibaba yung sarili mo para lang mapansin ka ni Nick! Jusko mas disente kapa at mas Maganda kapa doon! hindi mo kailangan ipantay ang sarili mo para lang mapansin ka niya! Just be yourself baka malay mo magustuhan ka ni Nick or malay mo may magkagusto pa  sayo na mas angat pa kay Nick....kaya please wag Karylle umayos ka...." mahabang litanya ko.

"O-okay So-sorry......" sabi ni Karylle na nakapout na mukhang iiyak na.

Beautiful girl pero napakahina pagdating sa lovelife or should I say Bigo...

"Wow Zile! parang hindi bigo ah sa lovelife ah? parang di kayo nagbreak ni Manuel noong nakaraang linggo ah?" bulong ng isip ko

✓Bitag ng Tadhana • COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon