This story is dedicated to CristyCamille hehhehe
•••
Zile's POV
Nagbibihis ako ngayon ng uniform ko at saka ako bumaba. Naabutan ko dun si Mama na nakaupo sa table ng kusina namin at hinihilot niya ang sintido niya wari'y naiistress siya pero kita ko din sa mukha niya ang pagkabahala.
Nilapitan ko siya dahil nag-aalala din ako sakanya, naguguluhan din ako kagabi kasi hindi naman ako dinadalaw ni Mama sa kwarto ko maliban lang kagabi. Alam kong may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi kaya ngayong nakita ko ulit siya na may kakaiba sa kanya ay kailangan ko na siyang komprontahin, baka kailangan niya ng lakas at alam ko na isa ako doon sa nagpapalakas sa kanya.
"Ma ayos ka lang po ba?" tanong ko kay Mama pagkalapit ko sa kanya.
Nagulat na man siya pagkalapit ko at dali daling sinara ang laptop niya na parang ayaw niyang may makita ako.
"Ayos lang naman ako, nak? may kailangan kaba kay Mama?" kalmado niyang sabi na wari'y wala lang ang nangyayari. Tinignan ko lang si Mama ng tingin na hindi kumbinsido sa sagot niya.
"Ma, kilala na kita... may problema ba?" sabi ko sa kanya at doon naman siya napabuga ng hangin. Kahit pa minsan lang kami magkasama ay kabisado ko na lahat ng mga pinapakita niya kasi concern
"May problema lang sa kompanya na pinapasukan ko pero gamay ko naman siya kaya okay lang" aniya
"A-ahh okay po, nag-aalala lang naman po ako sainyo.... by the way Ma papasok na po ako" ngumiti naman siya sa'kin pagkasabi ko non.
"Sige na pumasok ka na baka malate kapa sa School mo"
"Okay po Ma pero if ever na may maitutulong po ako ay yun ay ang susuportahan ko po kayo! FIGHTING MA! Love you Ma!" Sigaw ko naman habang nakataas ang fist ko na sign ng Fighting!
"Ouww... sweet naman ng baby ko! Love you too din anak! by the way need mo ba extra allowance para sa mga ibang gastos mo?"
"Hindi na Ma, lagay mo nalang po sa ATM ko po, pang emergency nalang po natin" nakangiti kong sabi. Kahit naman lagi akong binibigyan ni Mama ng extra allowance ay hindi ko ginagamit lahat kasi ayoko yung wala akong perang madudukot sa bulsa ko pagemergency, marami pa naman akong napapanood at nakikita sa paligid na namomroblema pagdating sa pinansyal lalo na pagnagkaaberya sa buhay nila. Hindi rin ako magastos, hindi ko inaaksaya mga pera ko para sa mga walang kwentang bagay at isa yung sa magandang ugali ko.
"Noted anak!" ngumiti nalang ako pagkasabi niya saka ako umali bitbit ang mga gamit ko.
•••
Nandito ako sa room namin and to expect katabi ko nanaman si Aaron pero parang may bago sa kanya ngayon dahil hindi katulad nitong nga nakaraang araw ay lagi siyang nakangiti. Ngayon kasi parang ang seryoso niya, pagtitignan ko naman siya ay pilit naman niyang ngumiti kahit pa hindi yun totoo.
Hindi ko nalang pinansin kasi sakto namang dumating yung Prof namin para magdiscuss ng aming lesson.
Ginawa na ding official si Aaron bilang kaklase namin kaya buong school year ko siyang magiging katabi and hindi lang yun, pati seatmate.
"Congrats nga pala sa ating University team na siyang Champion sa Basketball tournament" sabi ng Prof. namin sa kalagitnaan ng pagdidiscuss niya.

BINABASA MO ANG
✓Bitag ng Tadhana • COMPLETED
RomancePaano kung makulong ka sa Bitag ng Tadhana? Kaya mo bang mahalin ang taong walang kasiguraduhan kung kaya ka rin niyang mahalin? • Highest Ranking • #82 - heartbreak #3 - clues #3 - campuslife #4 - inlovewithmybestfriend