Dedicated to jammagbanua8 Thank you for your support.
•••
Zile's POV
Pauwi na ako ng bahay galing sa ospital dahil sa pagpapacheck up ako.
Kanina pa ako umiiyak pero as of now medyo napigilan ko na din. Madaming tao ang dumadaan baka kung ano ang isipin nila sa'kin.
Dumating ako sa bahay na mukhang sabog sabog dahl sa gulo ng buhok, gusgusing mukha dahil sa kakaiyak at parang walang gana kung makatayo at tumingin. Tulala din ako.
Nakita ko namang papalapit sa'kin si Mama na mukhang nag-aalala. Tinawagan ko kasi si Mama kanina pagkatapos ko malaman yung kondisyon ko, sakto namang pauwi na siya kaya dumiretso na ako.
"Nak, nalaman mo na ba yung result sa mga check ups mo?" tanong niya pagkayakap niya sakin habang hinahagod niya yung buhok ko.
Sa yakap at piling ni mama, feel kong safe ako. Feel ko wala akong sakit. All I feel right know is peace and safe.
Hindi ako nakapagsalita kasi bigla nanaman bumuhos ang luha ko. Naramdaman ata ni Mama na umiiyak ako kaya lumayo siya lara tignan ako.
"Oh Nak, Bat ka umiiyak? May problema ba? Tungkol ba 'to sa results?" sa dami ng tanong ni Mama ay wala akong masagot bagkus ang tahimik lang akong umiiyak sa harap niya.
Kaya kinuha ko nalang yung papel na naglalaman ng results at mga kailangan at dapat gawin para magamot yung sakit ko. Binigay ko 'to kay mama na agad naman niya kinuha at binasa.
Napatakip naman siya sa bibig niya ng mabasa niya yung papel at medyo naiiyak na siya. Tumingin siya sa'kin at saka lumapit para yakapin ako kaya wala na akong nagawa at bumuhos lalo ang iyak ko.
"A-Anak........ A-Anung n-nangyari...?" basag basag na boses ni Mama.
"H-Hindi k-ko po a-alam M-Ma..."
"Shhhhh.... tahan na anak... Nandito lang si Mama.. Kahit anong pagsubok pa yan.. Laging nasa tabi mo si Mama. Hindi ka niya iiwan. Dadamayan ka niya sa anong pagsubok ang maranasan mo ha" sabi ni mama. Alam kong pinilit niya lang sabihin ng diretso yung pero alam ko deep inside gusto na niya sumabog ulit sa iyak.
"Malalagpasan din natin 'to okay?" sabi pa niya kaya tumango nalang ako. Wala naman ibang tutulong sakin kundi ako lang at ang Mama ko.
"Pagkapunta natin ng France, reresolbahin natin yang problema mo okay?"
"Opo ma.."
"Good Nak, all you need to do right now ay pangalagaan mo ang sarili mo habang nandito pa tayo.. Ienjoy mo na yung mga natitirang araw mo dito kasi hindi natin alam kung kailan tayo makakabalik dito..." ani Mama.
Medyo kumalma na din ang sistema ko habang nakayakap kay mama. Amg swerte ko kasi kahit wala akong papa ay may mama akong laging nasa tabi ko at alam kong hindi niya ako iiwan sa kahit ano mang pagdadaanan ko.
BINABASA MO ANG
✓Bitag ng Tadhana • COMPLETED
RomancePaano kung makulong ka sa Bitag ng Tadhana? Kaya mo bang mahalin ang taong walang kasiguraduhan kung kaya ka rin niyang mahalin? • Highest Ranking • #82 - heartbreak #3 - clues #3 - campuslife #4 - inlovewithmybestfriend
