Chapter 31

21 7 0
                                        

WAHH! THANK YOU SA 1K READS! LOVEYOU ALL! THANK ULIT NG MADAMI! DI KO EXPECT NA MAGIGING 1K SIYA WAHH!

NAKAKAINISPIRE KAYO!
THANK YOU AGAIN!
•••

(3)

Zile's POV


"A-Ang A-Asul na R-Rosas..."




Napahinto talaga ako sa entrance ng gazebo ng makita ko ang namumukod tanging kulay asul na rosas sa gitna ng kumpol na pulang rosas.





Para siyang nagmimistulang espesyal na bulaklak dahil bukod sa kulay asul ito, ay mas mataas ang tangkay nito.




Nabalik ako sa ulirat ng biglang lumapit doon si Aaron sa gitna at saka siya lumuhod para kunin yung Asul na rosas.






Ang ganda kasi niya. Tinitignan ko lang 'yon na ngayon ay nasa kamay na ni Aaron.






"Ito ang Blue Rose... Bata palang ako mahilig na ako gumawa ng Rosas.. Kung mapapansin mo, yang mga pulang rosas na ito na nasa loob ng gazebo ay hindi talaga totoong rosas.." sabi niya. Ngayon ko lang din napansin nung sinabi niya.





Yung kulay kasi ng rosas na mga ito ay hindi natural na kulay pula tulad ng mga totoong rosas. Ang astig lang...





"Yang mga yan ay gawa pa ni lolo at lola.. espesyal kasi siya para sakin kaya naisipan kong ilagay siya sa mismong gitna ng Garden ala Montillo at itong gazebo ang magiging proteksyon nila.." sabi pa niya.






"Pero lumipas ang taon, naguguluhan talaga ako kung bakit puro kulay pula lang ang mga rosas. Bakit walang dilaw? Walang berde? Walang...... Asul..?" sabi niya. Nakaluhod pa rin siya habang hawak hawak yung asul na rosas.






Nakatalikod siya sa'kin habang ako ay nakatayo lang sa entrance. Napako ako sa kinatatayuan ko dahil sa Asul na Rosas hindi dahil maganda lang kundi......





















"Isa ang Asul na Rosas sa Palatandaan para malaman ko kung sino ang nakatadhana sa'kin" bulong ng isip ko.







"Hehehe bata pa ako nun kaya ang laki ng curiosity ko sa buhay buhay... Kaya naisipan kong gumawa ng asul na rosas. Noong una hirap ako kasi hindi naman ako marunong pero kalaunan ay nagawa ko din.. At ito nga yung pinakaunang asul na rosas na nagawa ko... At ito na din ang huling nagawa ko"







"Sa haba ng panahon bago ko na Perfect ang paggawa nito... kaya....." sabi niya saka siya tumayo at humarap sa'kin na may maliit na ngiti sa kanya.








"Gusto ko 'tong ibigay sa'yo kasi gusto kong bumawi sa lahat ng nagawa kong masama sa'yo noon..."








"At gusto kong dalhin at alagaan mo 'to sa tanan ng magiging buhay mo.... Alam kong hindi ito totoong nabubuhay pero gusto ko sanang alagaan mo't pahalagahan kasi gusto ko, ito ang magkokonekta sa'ting dalawa.." sabi niya hanggang sa iabot niya sa'kin ang Asul na rosas.








✓Bitag ng Tadhana • COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon