•••
Zile's POV
Nandito kami ngayon sa swing dito sa Park. Nasa bandang dulo ito ng park na malapit sa mga kulungan ng mga ina't ibang hayop.
Wala naman kaming ibang ginawa dito kundi maglakad lakad lang. Minsan hihinto kami sa mga kulungan para tignan yung mga hayop doon. Gabi na din kaya konti lang nakita namin.
Pero masarap maglakad ngayon kasi punong puno ng christmas light yung park kaya kahit gabi na, maliwanag pa din.
Nagpapahinga kami ngayon sa swing kasi halos kalahting oras na rin kaming naglalakad.
Kahit papaano naging masaya ako ngayon kahit pagod ako kasi bukod sa ganda ng paligid namin, kasama ko pa yung taong minamahal ko.
Susulitin ko na ang araw na 'to kasi hindi natin masasabi kung ito na ba ang huling araw na makakasama ko siya.
Alam ko na hindi ako ang panalo sa dulo pero nagtake pa rin ako ng risk para sa kanya. Wala na akong magagawa kasi hindi ko napigilan ang puso ko na tumibok sa kanya.
Wala akong magawa kasi nagagawa niyang pasiyahin yung puso ko. Nagawa niya lahat para sa kanya tumibok ang puso ko.
Sino ba namang hindi maiinlove sa kanya kung yung pinapakita niya sa'yo kakaiba. Nagbibigay motibo pero hindi naman ako yung gusto.
Tahimik lang kami nag duduyan sa swing nang may dumaan na nag I-Ice cream sa harap namin.
If know bibili nanaman yan si----
"Tara Ice cream, treat ko" see? wala pang limang segundo tama na agad ako. Tumango nalang ako kasi namimiss ko ding kasama siyang mag-Ice cream.
"Manong dalawa nga po" mabilis namang ginawa ni manong yung ice cream namin saka niya binigay sa'min.
"Teka lang iho't iha" pigil niya sa'min, paalis na kasi kami ni Aaron pabalik.
"Bakit ho manong?" - Aaron
"Ano ho yun manong?" - ako
"Kayo nga! Kayo yung suki ko noon ah! Ang lalaki niyo na! Grabe magkasama padin kayo hanggang ngayon" teka lang ah? Para kasi siyang pamilyar.
Ah!!! siya nga yong binibilhan din namin ng Ice cream dito sa Park!
"Mang Berto! kayo nga ho!" masayang sabi ni Aaron.
BINABASA MO ANG
✓Bitag ng Tadhana • COMPLETED
RomancePaano kung makulong ka sa Bitag ng Tadhana? Kaya mo bang mahalin ang taong walang kasiguraduhan kung kaya ka rin niyang mahalin? • Highest Ranking • #82 - heartbreak #3 - clues #3 - campuslife #4 - inlovewithmybestfriend
