•••
Zile's POV
Nagising ako kasi parang nay naririnig akong tumatawag sa'kin.
Medyo maayos na rin ang pakiramdam ko. Tama nga yung doctor, need ko lang ipahinga ang sarili pag-inaatake ako non.
"Zileeee!" rinig kong sigaw ng kung sino. I can recognize that voice. It's Aaron.
"Zileeee! Where are you?!"
"Zileeeeee! Nasan ka na ba?!" rinig ko pa ding sigaw ng kung saan.
"Zile! Nandiyan ka lang pala!" sigaw niya at dali daling lumapit sa'kin at......
Niyakap ako ng mahigpit...... Sakto namang nakasandal ako kaya feel ko ang awkward ng posisyon namin pero di ko na pinansin.
Mas pinagtutuunan ko ng pansin ay yung nakayakap siya sa'kin.
Namumula na ako kasi kinilig talaga ako dahil concern siya sa'kin. Concern nga ba?
Gusto ko siyang yakapin pabalik pero baka kung ano ang isipin niya kaya sinandal ko nalang yung ulo ko sa balikat niya.
"Ano ba kasing ginagawa mo dito? ha?" tanong niya. Kinalas niya yung yakap saka tumingin sa'kin.
"A-Ah....... N-Nakatulog lang... Ang sarap kasi ng hangin tapos medyo napagod kaya ayun....Hehehe" I lied. Nakatulog ako hindi alintana ang nasa paligid kundi dahil sa sakit ko.
"Bakit hindi ka nagsabi? I kept finding you in almost 2 hour Zile!" sabi niya pero this time napalakas yung boses niya kaya naapektuhan ako.
Nakita niya sigurong may namumuong luha sa mata ko kaya taranta siya.
"Zile.. Zile.. Sorry.. k-kung napalakas boses ko.. Nag-aalala lang kasi ako sa'yo baka kung ano na nang-yari sa'yo... Kaya sorry na po" sabi niya. Napangiti ako dahil don. Concern nga siya pero alam kong walang meaning yon.
"O-Okay lang... by the way tapos ka na ba sa ginagawa mo" tanong ko. I'm reffering to his phone call.
"Oo eh..Sakto namang maggagabi na, bukas na ang perya kaya pupunta na tayo doon" sabi niya. Bigla lng umaliwalas ang mukha ko at ganun din siyan
"O-Okay.... Tara na..." nagpagpag na ako ng damit saka tatayo. Napahinto ako ng may nag-abot ng kamay.
Tinignan ko siya at nakangiti naman siya. Nag-aalinlangan pa akong abutin pero inabot ko na din pero nagulat ako ng di niya bitawan saka tuloy tuloy na naglakad.
Medyo nakakalayo na kami ng mapansin niyang medyo naiilang ako kaya nilingon niya ako.
"May problema ba Zile?" tanong niya.
"Y-Yung k-kamay natin...."
"Ahhh.. 'Wag mo nalang pansinin. Marami na ata kasing tao doon kaya baka mawala ka pa.. Kaya tara na!" sabi niya. Ano ako bata?
Pero kinilig ako sa sinabi niya kahit wala namang kakilig kilig. Siguro kasi nakahawak yung kamay niya sa'kin.
•••
BINABASA MO ANG
✓Bitag ng Tadhana • COMPLETED
Storie d'amorePaano kung makulong ka sa Bitag ng Tadhana? Kaya mo bang mahalin ang taong walang kasiguraduhan kung kaya ka rin niyang mahalin? • Highest Ranking • #82 - heartbreak #3 - clues #3 - campuslife #4 - inlovewithmybestfriend
