PS: 2 parts for chapter 34 kasi naghahang na kapag lumalagpas na sa limit ng words na ilalagay ko. But don't worry, as long as maayos kong naisusulat ay gora pa din! Lavarn 'yan!
•••
Zile's POV
"Thank you, Zile"
"You're Welco--"
"Zilee!!!!" sigaw ng kung sino kaya hindi ko na natulot pa yung sinasabi ko.
Nilingon ko ang direksyon at nakita ko si Aaron na naglalakad papunta sa'min. He looks irritated just by looking at me.... or us?
Tumayo na ako at sinundan din ni Manuel.
"Who's he by the way?" tanong ng katabi ko.
"Aaron." maikling sagot ko. Nakatayo lang kami habang nakatingin sa papalapit na bulto ni Aaron. I'm nervous but I'm also pissed by his action. Diba may kahalikan siya kanina? Bakit niya pa ako sinundan?
Nangmakalapit siya ay agad naman akong tinapik ni Manuel saka may binulong.
"I'm out of here. Your admirer looks furious, I guess. See you when I see you Zile." paalam niya habang may ngiting nakakaasar. Lumayo na si Manuel habang swabeng naglalakad.
Tumingin naman ako sa direksyon ni Aaron na ngayon ay nakatayo sa harap ko habang hingal na hingal. I look at him as cold aa ice. Ayokong magpakita ng kahit na emosyon sa kanya. Sapat na 'yung sakit.
"Zile, bakit kasama mo 'yung lalaking 'yun?"
"Anong pakealam mo?" I casually said. Mukhang nagulat naman siya sa inasal ko. Tinago ko yung kamay ko sa likod dahil nanginginig 'to.
"I care for you!" he shouted.
"You cared for me?" I said sarcastically.
"Nice joke by the way." malaming kong sabi.
"I'm not joking! I care for you because I love you!" nagulat ako sa sinabi niya but then it hits me, Baka letcheng task na naman 'to.
"Don't fool me. I'll not believe it anymore."
"Why?!"
"Dahil PAGOD NA AKO! PAGOD NA AKONG MANIWALA SA MGA PINAGGAGAGAWA AT PINAGSASASABI MO! PAGOD NA AKONG MAGHINTAY SA PAGMAMAHAL MO! PAGOD NA AKONG MAGPAKATANGA! PAGOD NA AKO! Pagod na pagod na ako.." sambit ko at saka bumuhos ang masagana kong luha. Mukhang gulat siya sa mga sinasabi ko kaya parang wala siyang masabi.
"Ang sabi mo mahal mo ako pero imbes na matuwa ako, nasasaktan pa ako kasi sa tuwing sasabihin mo 'yun, kaakibat no'n ang dagdag kasinungalingan na sinasabi mo sa'kin." saad ko pa.
"Ang sabi mo mahal mo ako pero bakit harap harapan mo akong ginagago?!"
"Hindi kita ginagago, Zile!" sagot niya pabalik.
"Hindi ginagago pero ano yung nakita ko kanina? Ano 'yon, halikan as a friend?!" galit na galit kong sabi. Lumapit naman siya saka ako hinawakan sa braso pero iwinaksi ko agad.
"Let me explain, Zile. It's not what you think."
"Tigilan mo ako sa ganyan mo Aaron! Hindi ako isa't kalahating bobo at tanga para hindi maintindihan ang mga ganong bagay!" sigaw ko at saka pinahid ang mga luha ko.
"You know what? Sana hindi nalang ako umasa sa mga pinapakita mo. Sana 'di nalang ako naging tanga at sana 'di ka nalang nagbigay ng motibo kasi ang sakit no'n."
"Please Zile.. Let me explain." pagmamakaawa niya saka ako hinawakan sa braso umiiyak siya. Bakit siya umiiyak?
"Bitawan mo ako.. Aalis na ako. Hindi mo na kailangan magpaliwanag dahil maliwanag na sa'kin lahat. Kung saan ka masaya, susuportahan kita pero sana 'wag ka na magpakita sa'kin kasi sa tuwing makikita kita, nasasaktan lang ako." sabi ko saka kinalas ang kapit niya sa'kin saka ako naglakad paalis. Naiwan pa siyang nakaluhod habang umiiyak.
Pero may narinig pa akong sinabi niya.
"How can I fight for the both of us if you didn't fought for us in the first place...."
Tumakbo na ako palayo para bumalik sa dorm.
Nang makalayo na ako ay nagtago ako sa isang puno at saka tumingin pabalik sa pwesto ni Aaron but my heart sank when I saw what's happening.
Ang sakit! I run as fast I could just to be far away. I run even though my vision is blurry because of the tears corrupted on my eyes.
Sakto namang nasa room na namin si Karylle at Louie habang nag-iimpake.
"I saw everything! Tara na at uuwi na tayo!" salubong ni Louie pagkapasok ko ng room.
Tuluyan na akong napahagulgol non at buti nalang ay nandiyan sila para damayan ako.
I saw Asila and Aaron hugging with each other.
•••
Enjoy Reading!
A/N : So here's the part two of chapter 34. We're already near at the finale of the story! Few chapters ahead and the ending is already in our hand! Thank you for supporting this story from the very start!
Sending love to all of my supporters!
#ZiRon
I hope you have an idea kung ano ang magiging ending and I'll not disappoint you!
INFECTtheFears
BINABASA MO ANG
✓Bitag ng Tadhana • COMPLETED
Любовные романыPaano kung makulong ka sa Bitag ng Tadhana? Kaya mo bang mahalin ang taong walang kasiguraduhan kung kaya ka rin niyang mahalin? • Highest Ranking • #82 - heartbreak #3 - clues #3 - campuslife #4 - inlovewithmybestfriend
