Chapter 19

24 13 0
                                    

I dedicate this story to Purple_Leighn thankssss to you Mate!

Zile's POV

Its Monday right now at huling araw na ng School fair namin kaya walang klase ngayon kasi ito na yung pagkakataon namin para makapagsaya man lang.

About dun sa Nangyari last Wednesday ay hindi ko pa din makakalimutan kaya nong pagpasok ko nung thursday ay nakita ko na lamang siyang napayuko noong nakita niya akong pumasok sa loob ng room habang ang lahat ng kaklase ko ay nakatuon sa'kin na mayroong seryosong mukha.

Hindi nila ako pinansin dahil ramdam nila ang nakakakilabot na aura sa'kin, O diba parang fantasy lang!. Kita ko naman sa ibang kaklase ko ang pagkaawa habang ang iba ay walang pakialam kaya Pwes! wala din akong pakealam sa kanila.

Simula noon ay kasabay ko na lagi sila Winter at Aaron na mag lunch. Sabi nga ni Winter ay parang nasa Squad kami pero hindi ko nalang pinasin, Ano bang pake ko sa ka memahan ng babaeng yun! Bonding na din daw namin? Like the! Ok?!

Nandito ako sa Cafeteria ngayon habang inaantay ko si Winter at Aaron dahil may inaasikaso sila parehas habang ginagawa ko ang project ko. May mga nakikita naman akong mga estudyateng galing ibang Campus, mahahalata mo naman kasi dahil iba ang kanilang Uniporme kumpara sa'min, medyo maiksi kasi ang palda namin at kulay dark blue ang kulay samantalang sa kanila ay medyo may kahabaan habang may mga kulay pula, black at green naman akong nakikita, pinayagan na din kasing papasukin yung mga Outsiders dito sa Campus namin dahil last day nadin ng school fair pero limited lang ang pwedeng pumasok kaya halos kokonti lang ang nakikita ko ngayon dito sa Cafeteria.

Maya maya lang ay dumating na si Aaron pero wala si Winter na ipinagtaka ko.

"Ba't ikaw lang?" salubong na tanong ko sa kanya habang nakangiti lang siya.

"May inaasikaso lang daw siya kaya hindi siya makakapaglunch" sabi niya

Nagkibit balikat nalang ako ay hindi ko na siya pinansin dahil itinuon ko nalang ang atensyon ko sa hawak kong folder para sa project ko.

"By the way kumain kana?" tanong naman niya.

"Hindi pa kasi inaantay ko kayo pero unfortunately wala si Winter" mataray kong sabi.

"Bakit? ayaw mo ba akong kasabay?"

"Wala akong sinabi, ikaw yung nagbanggit niyan" kalmado kong sabi

"Eh parang ganun na din yon eh" I just rolled my eyes on him habang siya ay nagpout naman bigla, Ayan nanaman yung Kakyutan niya----- the hell?

Kahit man naiinis ako sa kanya ay hindi ko pading maiwasang ano.... ano nga ba? mabighani? masyado naman yung word, Nakukyutan? pwede naman.. Kiligin?! Saang lupalop ko naman nasagao yun?!

I tried to calm myself baka kung ano pa masabi ko at maging mahangin naman 'tong isang ito!

"Oh ano?! tatayo kanalang diyan?" napabalikwas naman siya ng tayo ng bigla ko siyang sigawan, hindi naman masyadong malakas pero sakto na soya para makahahip ako ng ibang atensyon.

"Ito na nga oorder na, ano pala ang sa'yo?" tanong niya.

"Sisig nalang tapos isang rice, yun lang" sabi ko sabay baling sa ginagawa kong project. Umalis naman siya agad para bumili ng makakain habang ako hirap na hirap gawin 'tong lintek na proyektong ito! Lintek na Research 'to!

Dumating naman siya agad dala dala yung pagkain namin, pero nahagip ng mata ko yung Corndog at Hamroll na nakalagay sa Tray na hawak niya! Mygad nagcrave bigla ako!

Nag simula na kaming kumain pero kanina pa ako tingin ng tingin sa Corndog at Hamroll na hindi naman niya ginagalaw. Tinitignan ko na din siya para naman diba? Makaramdam ka naman Aaron! pero mukhang bigo lang ako kasi tuloy lang siya sa pagkain.

Aaron's POV

Tahimik pang ako ditong kumakain ng mag-angat ako ng paningin kay Zile para tignan kung tapos na siya.

Nakita ko naman siyang nakatingin sa Corndog at Hamroll na nasa gitna namin. Mukha siya nagcacrave na nagpipigil lang kunin yun that makes her cute. Mukha siyang tuta na naglalaway sa masarap na pagkain pero hindi niya makain.

"Sa'yo nalang 'tong Corndog pati Hamroll, ayoko pala niya" pero in the first place ay binili ko talaga para sa kanya yan.

Agaran naman niyang kinuha pagkain at saka kinain na para siyang aagawan.

Nangalumbaba nalang ako habang tinititigan ko siyang kainin yung binili ko para sa kanya, but just a simple move by her gives me a reason to have a sweet smile.

I know in this 3 years na hindi ko siya nakasama ay maraming nagbago, not only physical pero pati yung pakikitungo niya sa ibang tao pero kahit maraming nagbago ay hindi parin mawawala yung Zile na kilala ko, yung matakaw, yung mabait, yung makulit, maingay, pikon, mainitin ang ulo at higit sa lahat ng yung kilala kong mahinang Zile not physically but emotinally. She's the same Zile I know kahit 3 years pa ang nakalipas, hindi ko alam kung epekto lang itong pinapakita niyang ugali niya dahil sa break up nila ng Manuel na'yon o baka may malalim pa siyang rason pero kahit ano pa man yun ay nagbabakasali akong mabalik yung Zile na kilala ko, yung Zile na naging bestfriend ko at yung Zile na.............. minahal ko.

Kaya poprotektahan ko siya sa abot ng makakaya ko kahit hindi niya alam dahil gusto kong ligtas siya pagnandiyan ako.

I still remember na hinarass siya ni Sky sa Bar Party, buti nalang at nandoon ako kaso medyo nahuli ako kasi hinahanap ko yung phone ko para sana kunin ko yung number ni Tita Eliz (Mama ni Zile) kay Zile para maihatid na si Zile sa bahay niya dahil lasing na siya kaya nagulat ako nong paglingon ko dahil sapilitang hinahalikan siya ni Sky kaya hindi na ako nagdalawang isip na bugbogin si Sky kahit pa Birthday niya yon! Hindi dapat ginaganoon ang babae lalo pa't lasing si Zile non! He's taking the advantage!

Kaming dalawa na ni Winter ang naghatid sa kanya at sakto namang nakasalubing namin si Tita Eliz galing sa trabaho niya.

Zile's POV

Buti nalang talaga at ayaw ni Aaron 'tong pagkain na'to kaya masagana kong kinakain tong Corndog na to! Sino ba naman ang ayaw neto? Harap niyo sa'kin at sunugin ko ang bahay! pero joke lang naman iba iba din yayo ng taste buds tapos ng gusto duh!

Patapos na akong kainin yung binigay ni Aaron ng makita ko lng nakatitig sa'kin si Aaron habang nakahalumbaba, kaya naman hiyang hiya akong napahinto sa kinakain.

"Ah hehehe, pa-pasensya kana n-natakam lang talaga ako...." nauutal kong sabi pero mas ngumiti lang siya.

"Oo nga eh... halata naman" sabi niya at saka niya ako binigyan ng matamis na ngiti na ikinapula ng mukha ko! Grabe naman kasi 'tong lalaki to! makalaglag panty yung ngiti!

Kaya naman binagalan ko na ang pagkain ko pero......

"Wait lang..................."

(o________o) (>..<)

".................kalmahan mo lang kasi.. wala namang mang-aagaw sa'yo"

Sa ginawa niya ay halos magkarerahan na ang tibok ng puso ko at saka umakyat lahat ng dugo ko sa pisngi ko na ngayon ay parang kamatis sa sobrang pula kaya napayuko nalang ako habang siya ay tinuloy na ang pagkain na parang wala lang ang nangyare! KASIIIII NAMAN......

.......PINUNASAN NANAMAN NIYA YUNG GILID NG LABI KO GAMIT LANG ANG DALIRI NIYA! TAKE NOTE! DALIRI NIYA! OKAY LANG KUNG TISSUE TULAD NG DATI--- eh ba't ko nga pala inaala yung dati!? EH PERO KASI NGAYON JUSKO! DALIRI PO! DA-LI-RI Lang.

Pangalawa na yan Aaron ha! Napaka abnormal na ng puso ko! kailangan ko atang mag pa check up na! bakit mo ba ginagawa yang mga bagay na yan!!!!

••• Continue •••

Enjoy Reading!

Vote naman kayo diyan kahit yun lang ehem!

Vee_Zebs

✓Bitag ng Tadhana • COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon