•••Zile's POV
October 23, 2013...
Pumasok na ako sa bahay pero nagulat ako nung nakita ko si Mama sa lamesa na mukhang inaantay ako.
"Nak, pwede ba tayong mag-usap?" aniya na ikinatango ko nalang.
Pumunta kami ni Mama sa sala para doon kami mag-uusap ng kung anu man yung pag-uusapan namin.
Pagkaupong pagkaupo ko palang, nakita kong nanginginig yung kamay ni Mama. Something is bothering her and it makes me uncomfortable.
Miminsan ko lang makitang ganyan si Mama. Napansin siguro ni mama na nakatitig ako sa nanginginig niyang kamay kaya tinagi niya 'to sa likod niya.
There's really something bothering her. I need to know that. Ako lang ang lalapitan niya kung sakaling may problema siya.
"Ma, may problema po ba?" tanong ko kasi hindi ko na talaga kaya yung katamihikang namamagitan sa'min.
Napansin ko namang binubuka niya yung bunganga niya na mukhang may sasabihin pero hindi niya masabi.
"M-Ma...... kung meron man po, sabihin niyo po kasi kinakabahan na talaga ako..." sabi ko. She let a small sigh and directly face me. I think she's ready to tell me everything.
"Nagkaproblema kasi sa kumpanyang pinagtatrabahuhan ko..." saad naman ni Mama.
"Actually hindi ko naman pinoproblema yun, ang mas pinoproblema ko ay ikaw.." dagdag pa niya. Ako? paanong ako?
"Ma, naguguluhan po ako.. anong ako yung sinasabi niyo..." naguguluhan kong tanong. Yung mukha ko, alam kong hindi na maipinta dahil nalilito na ako.
"Ganito kasi yan Nak, Makinig kang mabuti ah?" saad niya kaya napatango nalang ako.
"Namatay na kasi yung namamahala sa company na pinagtatrabahuhan namin sa ibang bansa... At wala ng mamamahala doon kaya kailangang may pumalit sa kanya.. Yung namamahala kasi ng company namin dito sa Pilipinas ay hindi pumayag na siya yung mamamahala doon sa Kumpanya namin doon sa France..." sabi naman ni Mama.
"Ano naman pong kinalaman no'n sa'kin ma?" tanong ko sa kanya.
"Ako kasi yung kanang kamay ni Mr. Davilan kaya ako yung nalagay sa posisyon na yun kaya kailangan kong pumunta doon sa France.. Hindi ko naman kayang tanggihan kasi hindi kaya ng konsensya ko kung sakaling bumagsak ang kumpanya ni Mr. Davilan... Malaki din ang utak na loob natin sa kanya" sabi ni mama.

BINABASA MO ANG
✓Bitag ng Tadhana • COMPLETED
RomancePaano kung makulong ka sa Bitag ng Tadhana? Kaya mo bang mahalin ang taong walang kasiguraduhan kung kaya ka rin niyang mahalin? • Highest Ranking • #82 - heartbreak #3 - clues #3 - campuslife #4 - inlovewithmybestfriend