•••Zile's POV
"Before our classtime end, Kindly pass your research paper right now..." ani ng Prof namin
Halos lahat ng mga kaklase ko nag sisipagpasa na ng kani-kanilang mga folder kung saan nandoon ang kanilang mga Research samantalang ako ay namomroblemang nakatingin sa Folder ko. Ang dami pa kasing kulang na information!
Mapapahiya ako kung ipapasa ko 'to nang kulang kulang! Letcheng kasing lablayp 'to! Kung hindi sana ako heart broken malamang mapapasa ko 'to ngayon ng kumpleto!
Medyo pumupikit pikit pa nga yung mata ko ngayon dahil hindi ko namalayan na madaling araw na pala ako nakatulog kagabi kaya ayun! Bangag na nga hindi ko pa natapos yung Research ko! I just frustrately caressed my hair. Hindi ako makapag isip ng maayos!
I'm in the middle of negative thoughts when someone put a folder on my desk kaya napatingin ako kay Aaron na nakatingin sa'kin habang nakangiti. Yan nanaman yung walang humpay niyang mga ngiti.
I just glared at him pero mas nilakihan niya lang yung ngiti niya. I jus rolled my eyes on him saka binalik ang tingin sa folder na nilapag niya.
Nagulat ako na nakapangalan sa'kin ang folder. Mabilis kong tinignan yung laman ng folder and to my shock! Research 'to namin and looking to the information na nakalagay, tamang tama sa sa'kin, hindi masyadong malalim pero hindi rin masyadong mababaw kung hindi ay sakto lang and knowing Aaron, siya yung taong malalim ang mga word pagdating sa mga research! How do I know? Hindi naman siya magiging Veteran writer kung hindi diba?
"Ipasa mo na" ani ni Aaron kaya napatingin ako sa kanya habang nakakunot ang noo pero nginitian nanaman niya ako. For the hundred times! Hindi ba nangangawit yung panga niya?
Nag-aalinlangan pa akong ipasa pero tumayo na ako habanh dala dala ko yung Research paper ko kuno... Nginitian lang ako ng Prof namin nung ilapag ko yung Research paper ko.
Pabalik na ako sa upuan ko ng mapansin kong medyo lumobo ang bag ko. Something is inside that bag! May naglagay ng kung ano diyan sa Bag ko! Kaya napatingin ako kay Aaron na ngayon ay malapad ang ngiti. Hindi ko alam kung katatakutan ko yung ngiti niya o ano eh! Pero I know na siya yung naglagay ng kung ano diyan sa Bag ko!
I knew it! Kaya pala medyo bumait siya this past weeks kasi pagtitripan nanaman niya ako! At kung pagbabasehan yung dating kalokohan niya, I expect na baka mata ng kung anong hayop yan, Gagambang malaki o kaya puchang mga ipis!
Calm down Zile! Calm Down! baka kung anong magawa mong ngayong puyat at badtrip ka!
Tinignan ko ng masama si Aaron habang siya ay nakangiti lang. Nagtuloy na ako sa paglalakad nang hindi ko tinatanggal ang masamang tingin kay Aaron. I'm ready to kill someone today!
Babaliin ko talaga lahat ng buto ni Aaron kung sakaling may kalokohan dito!
Ready na ako sa kalokohan niya! Haharapin ko 'to! Sanay na ako! Mambabai nalang ako ng buto ng taong mamtitrip sakin ngayon!
Dali dali kong binuksan yung bag ko, Yung kaninang galit at muhi ay biglang natunaw ng makita ko ang pack ng marshmallow. My Fave!
![](https://img.wattpad.com/cover/236453540-288-k350169.jpg)
BINABASA MO ANG
✓Bitag ng Tadhana • COMPLETED
RomansaPaano kung makulong ka sa Bitag ng Tadhana? Kaya mo bang mahalin ang taong walang kasiguraduhan kung kaya ka rin niyang mahalin? • Highest Ranking • #82 - heartbreak #3 - clues #3 - campuslife #4 - inlovewithmybestfriend