Epilogue

12 6 2
                                    


•••
Zile's POV

"Gising ka na pala.." ani ng doctor na siyang nagpagising sa nanay ko.

"Anak gising kana!" may galak na sabi ng nanay ko. Pagkagising niya.

Ano bang nangyari? Naaalala ko ang lahat pero bakit ako nasa ospital?

"Kamusta ka Zile? May masakit ba sa 'yo? May kailangan ka ba? Sabihin mo kay Mama. Zile." dali daling bigkas ni Mama sa gilid ko. Kita kong nag-aalala siya.

"Ano pong nangyari sa 'kin?" 'yun agad ang unang lumabas sa bibig ko not minding the question of my mother.

"Wala ka bang naaalala?" tanong ng doctor sa gilid kaya napalingon ako doon.

"W-Wala p-po.." nag-aalinlangan kong tugon. Ano bang nangyari? Bakit ako nasa Ospital? Ang huling naalala ko ay  naglalakad ako pauwi galing sa matinding paalam namin ni Aaron sa isa't isa hanggang sa nablangko ang paningin ko. That was December 23, 2013.

"I guess you have a Transient Global Amnesia. Dahil siguro sa lakas ng impact ng pagtama ng ulo sa eroplano ay siyang pagkakaroon mo ng gantong amnesia. 'Wag kang mag-alala at maibabalik din naman agad 'to makalipas ang ilang araw." paliwanag ng doktor.

"A-Ano h-ho bang n-nangyari?" kinakabahan kong tanong.

"Pauwi tayo na tayo ng Pilipinas galing ng France nang magkaaberya ang eroplanong sinasakyan natin. Mabuti nalang at walang napahamak na pasahero, may ibang nagkainjury at ikaw ang may pinakamalala. Na comatose ka for 2 weeks. At swerteng nagising ka na." kwento naman ni Mama.

"Aberya? P-Plane Crash? A-Anong a-araw na po ba ngayon?" kinakabahan ko pa ding tanong.

"Ngayon ay Abril ng taong 2013...." pagkasabi non ni Mama ay siyang pagbagsak ng luha ko.....

Ibig sabihin.....
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Isang panaginip lang ang lahat?

Agosto 2013 ang araw na nakipaghiwalay si Manuel sa'kin ga'non din ang pagtatagpo namin ni Aaron. Ibig sabihin? Isang panaginip nga lang ang lahat.

"N-Nagsasabi po b-ba kayo ng t-totoo?" kinakabahan kong tanong habang patuloy ang pagluha ko. Naalarma naman sila sa nakita kaya mabilis silang lumapit saka nagtanong.

"Totoo ang mg——"

"Ma! 'Wag niyo naman po akong lokohin!" sigaw ko saka ako nagwala sa kama ko.

"Anak! kumalma ka muna. Paano namin ipapaliwanag sa 'yo ng maayos kung ganyan ang ipapakita mo?" natigil naman ako sa sinabi ni Mama. Tama siya. Kailangan kong huminahon para malaman ko ang katotohanan.

"Anak... April 25 2013 ngayon. At dalawang linggo ang nakaraan ng mangyari ang aksidente. Nagkaaberya amh eroplanong sinasakyan natin na pauwing Pinas, galing France. Naalala mo bang galing tayong france dahil may espesyal na okasyon sa kumpanya doon?" kwento niya.

Pero sa kwento ni Mama ay naaalala ko akong lahat pero dahil naalala ko siya sa panaginip ko.

[Yes, I already went there in France this April kasi may important event noon sa company pero parang may something. Parang may parte ng pangyayaring yun ang hindi ko maalala pero hindi ko na pinansin yun.] (Chapter 29)

✓Bitag ng Tadhana • COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon