"I GUESS YOU'LL listened to my discussion, marami atang papasa!Okay Class, See on Friday everyone!" and the last thing I knew, the Prof left our Room...'Sir AKO HNDI!' bwisit kasing Aaron at Asila to eh! kung hindi dahil sa kanila, hindi ako mag k-kdrama, pag hindi ako mag k-kdrama ay hindi ako mapupuyat! tapos pag hindi ako mapupuyat! hindi ako magiging bangag! Lintek na yan!
At saka, Isang oras palang yung lumipas?! Bakit feeling ko nakailang oras na kami? Mahirap talaga pagbangag ka talaga.......... Gusto ko na mawala yung mukha ng katabi ko! Badtrip talaga oh! Isang oras ko pa siyang makakasama! Argh! Kainin sana siya ng lupa!
Hindi ko rin alam kung bakit gan'to yung apilyido ko! kailangan pa talagang magkalapit yung apilyido namin? So expected na magkatabi kami?! kamalas-malasan nga naman oh! Ewan ko ba sa Ninuno namin! Masyadong mabaho yung apilyido ng ninuno ni Mama!
Muensonto sa Montillo?! Lapit diba? Curious lang ako... Zile Muensonto Montillo....? Hmmmmm? Maganda naman pal----- what the heck?! Seriously?!...........Bangag na talaga ako! kung anu-ano na kasi sinasabi ko!
"Ayos kalang ba talaga?" nagulat ako nung biglang nagsalita yunng katabi kong tukmol! kaya naman napatayo nalang ako sa gulat.
"Ano ba!? Bakit ka ba nangugulat!?"
"Tinatanong lang kita kung ayos kalang...." sabi niya ng may bahid ng lungkot..
"Kahit na ah! at saka ayos lang ako!"
"HUY! ANG INGAY NIYONG DALAWA!" singit naman 'nung kaklase namin. Nagulat naman ako kaya napalingon ako at ang sama sama na palang timpla ng mga mukha nilang nakatingin sa'kin.
"A-Ay sorry p-po" napahiya pa nga! Lintek na talaga oh!
Saka ko naman nilingon si Aaron na patay malisya naman kung umasta.
"Lintek ka naman kasi!" at saka ako nakayukong naupo sa upuan ko at hindi na siya pinansin.
"I wonder kung bakit bigla 'to naging maldita ulit?... Hmmm?" bulong niya kaya hindi ko narinig. Nilingon ko siya at nakita ko siyang nakaaktong nag-iisip. Bali sideview ko siyang nasisilayan.
Gwapo naman talaga ne'to yun nalang masasabi ko, makinis, maputi at malinis, yung itsurang pang mayaman. Idagdag mo pa yung pabango niyang napakabango, pabango niya pa yan noong magkaklase pa kami eh! walang dahilan para hindi siya magustuhan pero dahil sa mga pangyayari, nawalan na ako ng dahilan para magustuhan ko siya, idagdag mo pa yung siya pa mismo sisira ng mga araw mo noon, okay lang sana kung siya lang diba? pero hindi eh, nakisali pa yung ibang kaibigan niya and worst wala pang pinalampas na araw!
"Sabi ko naman sa'yo na Picturan mo nalang ako, mas matagal mo pang masisilayan yung Gwapo kong mukha.." sabi niya at humarap pa sa'kin habang nakangisi, natauhan naman ako sa sinabi niya kaya napaiwas nalang ako ng tingin.
"Asa kang ikaw yung tinitignan ko!"
"Eh sino yung tinitignan mo?" mapanudyok niyang sabi.
"S-Si W-Winter....... tama si W-Winter... tama tama!" nalintikan na nga! Ano bang meron sa mukha niya at lagi akong natutulala sa kanya!? Sakto namang ka Row namin si Winter kaya alam kong makukumbinsi siya.
"Ah~ okay...." sabi niya habang nakangisi ang loko.
Hindi ko nalang siya pinansin baka mamaya mas lalo pa humaba yung usapan tapos aasarin lang ako ne'to katulad ng dati..
BINABASA MO ANG
✓Bitag ng Tadhana • COMPLETED
RomancePaano kung makulong ka sa Bitag ng Tadhana? Kaya mo bang mahalin ang taong walang kasiguraduhan kung kaya ka rin niyang mahalin? • Highest Ranking • #82 - heartbreak #3 - clues #3 - campuslife #4 - inlovewithmybestfriend