•••
Zile's POV
"Sorry po." agad ko namang kinuha yung dala niyang gamit na nahulog sa sahig
"Di ko po sinasadya kasi intersection po kaya hindi ko po nakita." nakayuko kong sabi pagkakuha ko ng gamit niya.
"Sa susunod tumingin tingin ka sa dinadaanan mo babae ka para di ka nakakabangga!" sigaw niya
"Pasensya na talaga, di ko talaga sinasadya." nakayuko ko pading sabi.
"Nakakabadtrip ka alam mo yun?! hirap na nga akong bitbitin yan babanggain mo pa ako!"
Pigilan niyo ako! PAPATULAN KO NA TALAGA 'TO! Konting konti nalang!
"ANO DI KA MAGSASALITA?! PAYUKO YUKO KANALANG JAN?! ANO!? PAAWA EFFECT KA JAN GIRL?! DI BAGAY SAYU MUKHA KANG T*NGA!! MALANDI KA!" sigaw niya pa.
PUCHA! Sumosobra na to ah!
Nag angat naman ako ng tingin sa kanya at doon ko napansin na pinagtitinginan na pala kami ng marami, tinignan ko naman siya ng masama!
"HOY IKAW SUMOSOBRA KANA!! DIBA SINABI KO NAMAN SAYONG DI KO SINASADYA KASI HINDI KO NAKITA DAHIL INTERSECTION YAN! At paanong naging MALANDI AKO!? HA! GALING MONG MAGSA—" hindi ko naitinuloy kasi may tukmol na sumingit.
"Anong nangyayari dito?" sambit ng kung sinong pamilyar na boses yun
kaya napahinto akoNapalingon kami parehas ni Asila sa nagsalita.
"A-Aaron.." sambit ni Asila. Paawa effect?!
"Ito kasing babaeng ito hindi tumitingin sa dinadaanan kaya ayun nabunggo ako! Ang dami ko panamang dala!" saka niya ako ulit tinignan ng masama.
"Lah! NAG SORRY NA NGA AKO DIBAAA!! KASI HINDI KO NGA NAKITA KASI INTERSEKSYON YAN KAYA HINDI KO NAKITA! HIN-DI-KO-NA-KI-TA! hindi ko nakita!" galit na galit kong sabi sa kanya na ikinagulat naman nila parehas.
"Oh! Tignan mo siya pa galit Aaron." bigla siyang lumaput kay Aaron na parang nagmamakaawa.
"TALAGANG MAGAGALIT AKO DAHIL SIMPLENG BANGGAAN LANG EH KUNG ANU-ANO NA PINAGSASABI MONG MASASAMA SAKIN NA MUKHA AKONG T*NGA AT MALANDI AKO!?" huminto ako para huminga dahil nasobrahan na ako kakasigaw.
"Pero wag ka mag-alala kasi mabait akong tao kaya SORRY PO HINDI KO PO SINASAD-----YAA! Bwiset!" binigkas ko talaga ng may diin saka ako tumalikod para umalis, hindi ko na pinansin kung ano man yung pinagsasasabi nila or ginagawa nila.
Badtrip akong naglalakad papuntang classroom.
Pagpasok ko ng room nagulat ako nang makita ko yung Prof namin na kakasimula lang ng klase.
"Ohh you're late Ms. Muensonto." ani ng Prof kaya napayuko naman ako.
"Accept my apologize Mr. Cruz," nakayuko kong sabi.
"Okay fine, please go back to your seat."
Dahan dahan naman akong pumunta sa upuan ko, ayaw kong ipakita na badmood ako dahil baka mahotseat ako tapos sa kanila ko pa maibuntong yung galit ko.

BINABASA MO ANG
✓Bitag ng Tadhana • COMPLETED
RomansaPaano kung makulong ka sa Bitag ng Tadhana? Kaya mo bang mahalin ang taong walang kasiguraduhan kung kaya ka rin niyang mahalin? • Highest Ranking • #82 - heartbreak #3 - clues #3 - campuslife #4 - inlovewithmybestfriend