Chapter 9

39 15 0
                                    

Nakasakay na kami sa taxi pero malapit na kami sa bababaan namin ng
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Natrapik pa kami! Malapit na kami pero na stuck pa kami sa trapik....

Matagal umusad yung trapik kaya napagdesisyunan nalang namin ni Aaron na bumaba nalang at maglakad tutal malapit na din naman.

Naglalakad lang kami ni Aaron nang may nakakabinging nakatahimikan ang meron sa'ming dalawa, marami pa namang tao sa paligid dahil bukas pa ang ibang mga street foods, mga tindahanat iba pa.

Kanina pa kami naglalakad nang basagin ko na ang nakakabinging katahimikan sa'min.

"S-saan kapala n-nag aral noong l-lumipat ka?" pambabasag ko ng katahimikan

"Sa Probinsya namin, nagkaproblema kasi sa pinagtatrabahuhan ni papa kaya napalipat ako"

"Bakit lumipat kapa sa Campus namin kung puwede mo naman ipagpatuloy doon yung pag aaral mo?"

"May gusto lang akong balikan.... na tao"

Napantig naman yung tenga ko dahil sa rason niya... Gusto ko pa sanang magtanong tungkol doon pero pinipigilan ko lang dahil hindi naman na kami gaanong close tulad ng dati.

"Siya yung dahilan kaya nagsikap akong kunin yung scholarship ko para makapag-aral ulit dito."

Yung mga inis ko sa kanya ngayong araw halos natunaw ng dahil sa mga sinasabi niya, hindi ko alam pero gumaan gaan yung loob ko sa kanya, yung pakiramdam na parang siya yung Aaron na nakilala ko noong High school, Yung Aaron na tinuring kong matalik na kaibigan, At yung Aaron na NAGUSTUHAN ko......

"Ang S-swerte naman niya kung ganoon" napatingin naman ako sa kanya habang nakangiti at doon ko ulit nakita yung natural niyang ngiti, yung madalas kong nakikita noong kaibigan ko pa siya....

"Yeah right, Ang swerte niya pero para sa'kin normal nalang yun kasi ga'non naman pag gusto mo yung tao, hindi ba?. Gagawin mo ang lahat ng paraan para sa kaniya, ginawa ko lahat para makita ko ulit siya, Yeah Right as you said ang swerte niya, ........................" hindi ko na narinig yung sinabi niya kasi masyadong mahina ang pagkakasabi niya ng dulong linya.

✓Bitag ng Tadhana • COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon