Chapter 16

27 13 0
                                    


===

"Okay Class, See you tommorow! You can now have your lunch break!" ani ng Prof namin pagkaligpit ng gamit niya at saka biniran ng alis ang room namin.

"OY! PUMUNTA KAYONG LAHAT MAMAYA AH! AASAHAN KO KAYO!" sigaw naman ni Sky sa Likod.. Palengkera ata 'to eh!

Hindi ko na sila pinansin pa at diretsong lumabas ng room.

"Zile!...."

"Oh Winter, anong ginagawa mo diyan sa labas ng room namin?" naabutan ko lang kasi siyang nakasandal sa koridor sa labas ng room namin.

Kapansin-pansin talaga ang angking kagandahan ni Winter kaya nga may nakikita akong mga lalaking dumadaan sa harap namin ay napapalingon sa kanya.... mayroon din namang sa'kin no!

"Wala kasi akong kasamang mag Lunch kaya sasabay nalang ako sa'yo!"

"Ikaw ba? may kasama ka bang maglulunch? kasabay mo ba si Aaron?! Kayo ah!" dagdag niya pa.

"Huy! bibig mo, baka may makarinig baka kung ano pang isipin nila... at saka wala akong kasabay noh!" wala naman talaga kasi busy pa rin yung dalawang bruha!

"So ano? Tara na?" kaya tinanguan ko nalang siya at walang anu-ano ay hinila na niya ako.

Nandito na kami sa ng biglang may humila sa'kin sa kabilang braso ko..

"Hali ka muna.. Winter sumama ka" seryosong sabi niya. Dire-diretso niya lang akong hinihila sa papuntang ibang direksyon habang hawak ko naman sa isang kamay ko si Winter na walang imik.

"Hoy! saglit! Saan mo ba kami dadalhin?!" No! No! ayoko na ng mga pranks! Lord guide me please!

Pero hindi niya ako pinansin kasi seryoso lang siya habang naglalakad kaya hindi na ako nagsalita pa at hayaan nalang niya akong hilahin. Nakita ko naman na papunta kaminsa direksyon ng..... locker room?

Dumiretso siya sa locker niya at may kinukuhang gamit habang kami dito ni Winter ay inaantay lang ang susunod niya gagawin.

Nakita ko namang inilabas niya yung kulay gray na jacket niya at saka na niya sinarado yung locker niya. Humarap naman siya sa akin at saka dumiretso sa harapan ko.

Nagtataka ko naman siyang tinignan habang siya ay seryoso lang nanakatingin sa akin.

I'm shocked when he pull me closer to him and tie the jacket on my waist. Hindi naman ako dancerist? Diba? Suot ng mga sumasayaw 'to?!

"Anong ginagawa mo?" nagtataka kong tanong sa kanya habang patuloy parin niyang tinatali. Tinignan niya lang ako saglit at saka tinuloy ulit ang pagkakatali. Pag katapos niyang itali ay saka niya pinagpag yung itinali niyang jacket sa bewang ko gamit ang likod niyang kamay.

"Para saan ba 'to Aaron?" hindi ko na maiwasang mainis kasi hindi ko talaga maintindihan yung ginagawa niya.

Marahan naman niyang inilapit yung mukha niya na labis na ikinagulat ko kaya napaatras naman ako sa kanya, napahinto naman ako sa pag-atras ng hawakan niya yung balikat ko at saka may binulong..

"May tagos ka......." marahan niyang sabi.

"May tagos ako?" nagtataka ko pading sabi kaya tinaguan niya lang ako. Few seconds before I realize what he just said! Damn! Nakakahiya!

"OMAYGAD! SERYOSO?" nanlaki talaga yung mata ko dahil sa sinabi niya.

"Shocks Zile Meron nga!" biglang singit ni Winter. Halos lahat ng dugo ko ay nag-akyatan sa mukha ko dahil sa sborang kahihiyan..

"May'ron kabang...... yung uhmmmm.. yung ano....... yung para s-sa p-pantakip s-sa Mens mo?" ani ni Aaron.

Shocks isa pang PROBLEMA ko! Kung kailan due date ko!  Saka ko naman nakalimutan yung Napkin ko!

Nag-aalinlangan naman akong tumingin kay Winter na di maipinta yung mukha. Parang siya yung may tagos eh noh?!

"M-Meron ka ba?"

"W-Wala kasi Zile ih?" Omygad! Paano na 'to!?  Relax Zile! makakaisip kang paraan!

"Ako na bahala... Hintayin niyo nalang  ako dito.." ani naman ni Aaron kaya nabaling naman sa kanya yung atensyon ko.

"A-Ayos lang b-ba sa'yo?" tumango naman siya at marahan na ngumiti.

"So paano? Diyan na muna kayo ah.. Intayin niyo nalang ako. Winter paki bantay nalang Si Zile." pagkasabing pagkasabi niya ay tumakbo naman siya bigla.

"W-Winter! NAKAKAHIYA!" I didn't actually know that this week is my due date!? Nakaligtaan ko na kasi sa sunod sunod na problema at pangayayari nitong nakaraang araw lang!

"Relax Zile! May tumulong na nga eh... hintayin nalang natin...." ani niya.

Nag-antay kami ng halos sampung minuto nang dumating si Aaron..... na may hawak na paperbag....

"H-Hindi ko alam yung brand ng N-n-n-apkin..... at yung s-sinasabi ng tindera k-kung w-with wings sa without....." sabi niya pagkarating na pagkarating niya.. Nakikita ko namang umiiwas siya ng tingin at namumula yung mukha niya....

"Sinabi ko nalang na w-with w-wings..... Ito oh.." sabay lahad niya ng paper bag.

"Mag linis kanalang doon sa Restroom sa tabi ng mga locker...." at doon ko na kinuha yung paper bag na nilahad niya...

"S-Salamat.." pagkasabing pagkasabi ko ay bigla naman akong tumakbo habang hila hila ko si Winter..

Pagkapasok na pagkapasok namin ng Restroom ay tinginan ko naman yung paper bag... Nakita ko namang may alcohol, tissue at napkin....!

"My Gad nakakahiya talaga Winter!" I just quickly cover my face with my both hand dahil sa kahihiyan!

"Wag kana mag inarte Zile! Maglinis ka nakasi nagugutom na ako HAHAHA"

Dali dali naman akong naglinis at saka ko ulit nilagay yung jacket ni Aaron sa bewang ko..

"Ano? Tara na?"

"Grabe talaga Winter nakakahiya!"

"Wag mo na isipin yon!.....Tara na nagugutom na ako" hinila na ako ni Winter kaya hindi na pumalag.

Pagkalabas namin ng Restroom ay naabutan namin si Aaron na nakasandal sa labas ng restroom habang nakapamulsa.

Napaayos naman siya ng tayo ng makita niya kaming lumabas ng restroom.

"Puwede ba akong makisabay na maglunch sainyo?" tanong ni Aaron

Tinignan ko si Winter at saka binigyan ng ano-okay-lang?-look at tinanguan niya lang ako saka ngumiti.

"Ah sige, sumabay ka na sa'min" pagkasabi ko 'non ay umaliwalas naman yung mukha niya at saka ngumiti...... Ngiting nakakalaglag ng panty! Why so--- Yan kananaman Zile!

"Tara na nagugutom na talaga ako!" biglang singit ni Winter.

"Ikaw talaga ang takaw mo!"

"Whatever! Zile Muensonto!"

=========Continue=========

Enjoy Reading <3

Vee_Zebs

✓Bitag ng Tadhana • COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon