I plug the old cover of this story in multimedia for memories purposes <3
Also Credits to _etteole for new amazing book cover..
So this chapter is Dedicated to _etteole Thank you! <3
===
"Bes! kanina kapa tulala diyan, may problema ba?" nauutal naman akong tumingin kay Karylle.
Nandito sila Karylle at Louie sa Booth namin kasi hindi naman daw sila magbabantay ng booth nila ngayon kaya naisipan nilang tumambay dito sa'min. Hindi naman nagreklamo yung mga kasama ko dito actually mas masaya pa sila kasi ang hyper nung dalawa kaya naeentertain nila yung mga kasama ko, puro tawanan lang naman. Ako? eto tulala, Ang gulo padin kasi pangyayari.
"A-Ah okay lang n-naman ako" nauutal kong sagot sa kanya, may bumabagabag kasi sakin dahil doon sa nakita ko kanina.
"Bes, ang layo ng sagot mo sa tanong ko, okay kalang ba talaga?" kaya naman napa crossed arm nalang siya habang nakataas ang isang kilay niya.
"A-Ah Oo n-naman" alam kong hindi siya kumbinsido sa sagot ko pero hinayaan nalang niya ako, alam naman niya na nagkukwento ako kapag may problema ako pero hindi lang kasi simpleng problema ito. Masyado kasing magulo.
"Ah mag babanyo lang ako" lumingon naman halos silang lahat at tinanguan saka sila binalik ang atensyon sa ginagawa nila at ito namang dalawa, Ayun balik sa kwentuhan habang nagtatawanan, halos pinagtitinginan na nga sila ng mga tao kasi akala mo hindi mga babae kung makatawa, wagas!.
Pero sana ganyan din ako kasaya sa kabila ng lahat ng sakit, I wonder if may problema din sila noh? tapos nagagawa nila yung tawa kahit masakit na.
Nakarating naman agad ako sa Restroom ng mga girls, alangan naman mga boys hindi ba? baka makakita ako ng kung ano diyan eh no. MyGad my virgin eyes can't take it duh! Geez! Yung bunganga ko talaga yung hindi virgin, kung anu ano na lumalabas na kabalastugan!
Napahilamos naman yung mukha ko ng kamay ko!
"The hell, Ano ba talaga ang nangyayari?!" di ko na mapigilan ang mapasigaw.
"Ang gulo gulo talaga!" bakit kasi ga'non? Kagabi, may babae siyang kayakap habang naglalandian sa kalsada tapos kanina may hinalikan siyang lalaki? Kung nakakasabog lang ng ulo yung problema ko malamang kanina pa ako walang ulo. Nakakainis talaga!
"Ayos kalang, Zile..."
"Ay pvcha ka!" gulat naman ako kasi may biglang nagsalita sa pinto ng Restroom.
"Louie! naman, bakit ka naman nanggugulat!"
"Ga'non ba kaseryoso yang problema kaya gulat na gulat ka?" seryoso niyang sabi.
"Tinanong lang kita kung ayos kalang tapos kung makareact ka, para kang nakakita ng multo!" hindi na niya naiwasang magtaas ng boses kaya napaiwas nalang ako ng tingin sa kanya. Nahihiya ako sa presensya niya kahit pa best friend ko pa siya.
"Kung may problema ka man, Nandito lang kami para samahan at damayan ka kasi ano pa't naturingang mag bebestfriend tayo hindi ba?, at lagi mong tatandaan na magiging maayos din ang lahat Zile?"
Something familiar doon sa sinabi niya pero hindi ko malaman.
"A-Ah hehe okay lang naman, at saka saan mo naman nakuha yang mga lines na yan ha? naninibago ako sa'yo ah!" naturingang palatawa at palabiro si Louie kaya hindi ko mapigilang kabahan sa inaasta niya ngayon.
![](https://img.wattpad.com/cover/236453540-288-k350169.jpg)
BINABASA MO ANG
✓Bitag ng Tadhana • COMPLETED
RomancePaano kung makulong ka sa Bitag ng Tadhana? Kaya mo bang mahalin ang taong walang kasiguraduhan kung kaya ka rin niyang mahalin? • Highest Ranking • #82 - heartbreak #3 - clues #3 - campuslife #4 - inlovewithmybestfriend