FIRST OF ALL, HAPPY 700 READS SA STORY NATIN! THANK YOU THANK YOU SA SUPPORT NIYO! KAHIT KOKONTI LANG KAYO AT LEAST MERON AT MERONG SUMUSUPORTA SA STORY NI ZILE!! HUHUHUHU LOVEYOU GUYS!!
HAPPY 700 READS ULIT MGA KA TUKMOL!!
THIS STORY IS DEDICATED TO ortiziiemman28 Heyy Pres! Salamat!
•••
Zile's POV
Nakahawak ako ngayon sa balikat ni Aaron habang siya naman nakahawak ang parehas na kamay sa bewang ko habang sumasayaw kami ng Waltz.
Nakatingin lang kami sa isa't isa habang sumasabay kami sa himig ng tugtugin. Ngayon ko nakikita ng malapitan ang itsura ni Aaron, kung gaano talaga kataas ang kanyang angking kagwapuhan idagdag mo pa yung matamis niyang ngiti.
Kung wala lang sigurong tugtog ay malamang maririnig niya na ako lakas ng tibok ng puso ko. Kumakabog siya simula palang noong hawakan niya ang bewang ko. We are dancing like there's no one around. Hindi ko maalis yung tingin ko sa kanya kasi parang hinihigop ng mata niya ang pwersa sa pagtingin ko sa kanya.
Sa ngayon ay masaya na ako kasi kahit hindi ako ang gusto niya, kapiling ko naman siya ngayon. Masaya ako kasi hawak niya ako, feeling ko ligtas ako pag nasa malapit siya at kapag hawak niya ako.
Ayoko pa sanang matapos yung oras para mas tumagal pa kami sa gan'tong posisyon pero darating din ang wakas.
"Good job everyone, napakadali niyo palang turuan kaya malamang maayos yung magiging performance natin sa Friday" ani ng leader namin.
Nasa gan'to parin kaming posisyon ng bigla akong nawalan paningin kasabay nong pagbagsak ko sa kinatatayuan ko.
Buti nalang at may nakasalo sa'kin sa bewang kaya hindi ako tuluyang bumagsak sa lupa.
Tanging rinig ko nalang ang napakatining na tunog.
"ZILEEEEE!!"
Ramdam ko ang pag-alog nila kaya minulat ko yung mata ko. Ngayon, meron na akong nakikita at kita ko yung mga kagrupo ko na nagsilapitan sa'kin habang nag-aalala.
Buhat na pala ako ngayon ni Aaron na naka bridal style. Walang oras para kiligin ako sa ekseng 'to. Hindi ko alam kung bakit biglaan nablanko ang paningin ko kasabay noong pagbagsak ko sa kinatatayuan ko at yung matining na tunog na yun.
"Zile... Ayos ka lang ba?" tanong ni Aaron... Kita ko talaga ang pag-aalala sa mukha niya at mukhang kinakabahan siya kasi ramdam ko yung tibok ng puso niya, masyado kasing mabilis.
Inupo niya ako sa isang bench at saka naman siya tumabi.
"Ayos kalang ba Zile?" tanong niya ulit pagka-upo niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/236453540-288-k350169.jpg)
BINABASA MO ANG
✓Bitag ng Tadhana • COMPLETED
RomansaPaano kung makulong ka sa Bitag ng Tadhana? Kaya mo bang mahalin ang taong walang kasiguraduhan kung kaya ka rin niyang mahalin? • Highest Ranking • #82 - heartbreak #3 - clues #3 - campuslife #4 - inlovewithmybestfriend