Chapter 20

26 14 0
                                        

THIS STORY IS DEDICATED TO LykaHannah4 o yan na dzai HAHAHAH LAVYAH

Zile's POV

"Karylle! pagod na ako!"

"Dali na Zile! itatry lang natin yung Booth na yun eh!" sigaw pabalik sakin ni Karylle habang naghihilaan kami. Hinihila niya kasi ako habang ako naman ay nagpupumiglas.

"Louie, tulungan mo naman ako!" nakatingin lang kasi siya sa'min na mukhang naiinis na din!

"Haynako! bahala kayo! basta ako gusto ko itry yung booth nayun!" sabi ni Louie. Kaibigan ko ba'to?! kakainis ah!

"Tara na nga kasi Zile!"

"Eto na! Eto na! punyeta nangwawarshock ka eh noh! Sabi kasing magpahinga lang muna tayo!" di ko na mapigilang mapasigaw dahil sa inis.

"Ay wow! Penelope ikaw ba yan?! atsaka wala kang sinabing magpahinga tayo! sabi mo pagod kana!" sabi ni Karylle habang pilit na pinipigilan ang tawa!

"Subukan mong tumawa at hihilain ko yang gilagid mo! Atsaka given nayun pag Pagod ka ay magpapahinga Punyeta! at ano?! pupunta paba tayo?!"

"Eto na nga... sabi ko nga pupunta na tayo....." ngumiti nalang siya, yung ngiting nakakaasar! Punyeta paduguin ko yang labi niya eh! Pero joke lang, di ko kaya yun noh!

"Ano bang pumasok sa utak niyo't sa Horror house tayo?! alam niyo namang takot sa mga multo multo na yan!" sabi ko kaya napatigil kami sa paglalakad.

"Ano kaba Zile?! minsan lang 'to! hindi araw araw!" sigaw nanaman ni Karylle.

"Ano magsisigawan nalang ba kayo?" singit ni Louie kaya napatikom nalang kami ni Karylle.

Nauna ng naglakad si Louie papunta doon sa booth habang kami ni Karylle ay nagsisisihan pa.

"Paggutom nga naman! nagiging Dragon ang kikiam!" sabi ko habang napapailing pa.

"Paanong kikiam?" maang na tanong ni Karylle.

"Kasi yung daliri niya mukhang kikiam HAHAHAH"

"Ha? anong connect nun?" tanong ni Karylle. Napakagandang babae pero ang slow naman!

"Wala! kasalanan mo kasi eh! "

"At paanong naging ako Zile?!"

"Ang ingay mo kasi eh!" sabi ko

"Ikaw 'tong nagpapahila pa tapos may patanong tanong kapa!" sabi naman ni Karylle.

"Pwede naman kasing hindi sumigaw Karylle!"

"Para kang Aso! ang ingay ingay!" dagdag ko pa.

"Ha? ano namang connect nun?" tanong ni Karylle!

"Ewan ko sa'yong babaita ka!"

•••

"Jusko Lord! yung puso ko! Hooooo! jusko nakakatakot yun ah!"

"Para ka naman kasing ewan Karylle! ikaw pala 'tong mas matatakutin!" sabi ko sa kanya.

"Alam niyo guys Na kahit cute si ako ay matatakutin din ako kaya waaaaaahhhh!" biglang sigaw ni Louie

"Bes late na yung reaction mo....nakalabas na tayo sa horror house..." kalmado kong sabi habang maasim ang mukhang nakatingin sa kanya. Para naman kasing baliw 'tong si Louie!

Nakakatakot naman kasi diba? Horror house yun noh! tapos gabi na ngayon! edi doble takot grrrr!

"Whatever Guys, by the way nagugutom na talaga ako kasi hindi tayo nag meryenda!" sabi ni Louie..

"Lagi ka namang gutom Louie......." biglang sabat ni Karylle.

"Whatever Karylle!" ani Louie

"Puro ka 'Whatever' Louie!" sabi ko habang nakakunot ang noo.

"Whatever 'Zile'! Tara nagugutom na talaga ako! Gusto ko doon sa Pizza Parlor nila Necole!"

"AY TARA NA HAHAHAH NAMIMISS KO NA DIN SI NEC! WAHHH!" sigaw ni Karylle at sabay kaming hinila ni Karylle palabas ng Campus...

Si Necole naman ang isa pa naming kaibigan.. Well magkakaibigan kaming apat noong 4th year namin sa High school but unfortunately kailangan niyang Lumipat sa Makati City para doon simulan ang Course niya. Buti nalang nalang talaga at hindi kami naabutan ng K12 program kaya diresto College na kami.

"Sana lang nandoon si Nec ngayon.. Impusibleng uuwi siya ngayon dito.. Ngayong may pasok tayo.." sabi ko naman.

"Pero diba malay mo? kaya tara na Guys!" sabi ni Karylle.

Palabas na kami ng biglang huminto si Karylle kaya napahinto na din kami.

"Guys si Sky oh! Tara puntahan natin.." aniya

"BAKIT kailangan pang puntahan?!" hindi ko mapigilang mapasigaw ng konti dahil sa sama ng loob nong narinig ko ang pangalan niya at lalo pa't pupuntahan namin.

"Hindi kasi kami nakapunta ni Louie nung bar party niya! mag so-sorry lang.. Ba't ka naman sumisigaw?!" ani Karylle.

"Wag na kasi natin puntahan!" I disagree to her "kung alam niyo lang talaga yung nangyari.."   pabulong kong sabi kaya alam kong hindi nila yung narinig.

"Ha?!" sabay na sabi nila.

"Wala! tara na! wag na nating puntahan! Diba nagugutom na kayo!?"

"Saglit lang na---" hindi na niya natuloy dahil pinutol yun ni Louie.

"Teka nga! may ginawa ka ba nong Bar party?!" doon ako natigilan sa tanong ni Louie, kaya halos manginig na yung kamay ko. Kilala ko panaman sila, pag alam nilang may ginawang masama, ako man ang gumawa o ako ying ginawan ng kasalanan ay hindi nila itotolerate dahil babalikan nila at ayoko ng gulo ngayon!

"W-wala a-ah" nauutal kong sabi.

"Eh bakit ka nauutal abe?!" si Louie

"W-wala nga kasi!"

"Ahh ayaw mong sabihin ah!-----"

"Wahhhhhh saan tayo pupunta!"

"------ doon kay Sky!"

Hila hila niya ako habang ako ay nagpupumiglas sa kanya pero kahit anong gawin ko ay hindi ko makalas dahil sa sobrang lakas niya! Kahit pa babae din 'to pero yung lakas parang lalaki. Nakasunod naman si Karylle habang halata sa mukha niya ang pagkalito at takot, alam ko na yan pagganyan kasi hindi niya nagegets yung pinag-uusapan namin tapos natatakot siya dahil sa inaasta ni Louie.

Maya maya pa ay napunta na kami sa harapan ni Sky at sa mga tropa niya na kaklase din namin. Masaya silang nag-uusap kaya masigla nila kaming sinalubong ng tingin at bati pero nag-iba yun nang makita nila ako lalo na yung mga tropa ni Sky.

"Hi Guys!" Bati ni Louie.

"A-ahhh heheheh Sky alis na muna kami ah.... nice seeing you guys! Louie, Karylle and you, Z-zile..." ani ng tropa niyang isa na hindi ko alam ang pangalan pero pamilyar sa'kin.

Mabilisan namang lumisan ang mga kasama ni Sky kaya siya nalang ang naiwan sa harap namin. Bakas naman sa mukha niya ang takot at pagkabahala ng makita niya ang itsura ni Louie! kilala niya din si Louie kasi nakita na niyang magalit 'tong babaeng to na kahit lalaki ay papatulan niya!.

Jusko Lord! Help me! Guide me! Save me!

•••

Enjoy Reading Guys

Vote lang kayo ehem! Hahaha

Vee_Zebs

✓Bitag ng Tadhana • COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon