•••
Nandito kami ngayon sa Mall, As I've said, may bibilhin akong libro. Gusto ko lang kasing basahin yung story ng bibilhin ko kaya pupunta ako.
Kanina pa ako lingon ng lingon sa paligid, hindi kasi ako mapakali sa kasama ko, kinakabahan ako, ewan ko kung bakit pero kinakabahan talaga ako.
"Okay kalang? Kanina kapa kasi hindi mapakali eh"
"I'm FINE thank you!" bakit ba? feel ko magtaray eh, para naman di niya mahalata na naiilang ako sa kanya duh!
"Sungit mo naman" nagpout siya bigla pero di ko nalang pinansin
"Sinamahan ka nga eh"
"Lah! nanunumbat kapa?! pinilit ba kita?"
"Heheheh Joke lang ikaw naman"
Sa sobrang pagkailang ko hindi ko na napansin na nandito na pala kami sa NBS, aba malay ko ba? naiilang talaga ako eh!
"Oh! nandito na tayo" hindi ako bulag punyemas. Gusto ko isigaw pero nakakahiya.
"Alam ko po Mister!"
"Ikaw talaga ang sungit mo" bigla naman siyang sumimangot.
"Ay oo nga pala, may bibilhin din akong school supplies, maiwan na muna kita ah" sabi niya.
"Mabuti pa nga, nakakasuffocate eh argh!" bulong ko.
"Ha?"
"Ah eh Ehehe sige ok lang Aaron, doon lang ako sa Book section"
Nginitian niya lang ako saka siya umalis. Dumiretso ako sa hinahanap ko.
Nang matapos ko mahanap yung librong gusto ko saka ako pumunta sa ballpen section.
"Te! Ang pogiiiiiii!!"
"Shit! ang tangkadd din bhieee!"
"May girlfriend na kaya siya"
"Malay mo singleee! AKIN LANG SIYAA!!"
Naririnig ko lang yung mga babaeng nagbubulungan sa katabing shelves.
Like the?! magbubulungan na nga lang kailangan pa marinig?
Saka ko tinignan kung sino yung tinitilian nila.
Si Aaron na nandoon sa folder section at notebook.... ah Si Aaron lang pala...
Wait!! WHAT?!
SI AARON?! Ok lang kaya sila?
Nagulat nalang ako ng biglang naglakad si Aaron papunta sakin hawak yung kinuha niya. Mabilis naman akong tumalikod saka ko kinuha yung ballpen na gusto ko saka ako humarap sa paparating niyang bulto.
"Tapos kana?" tanong niya pagkalapit.
"Ah Oo ikaw?"
"Yeah, tara na sa counter?" tumango naman ako.
"Ay may Girlfriend na?!"
"Ay sad naman!"
"Pero bagay sila"
"Ay wag ka ngang ano jan! Mas bagay kami"
"Te walang wala ka don sa babae"
"Whatever. Tara na nga, sayang naman!"
BINABASA MO ANG
✓Bitag ng Tadhana • COMPLETED
RomancePaano kung makulong ka sa Bitag ng Tadhana? Kaya mo bang mahalin ang taong walang kasiguraduhan kung kaya ka rin niyang mahalin? • Highest Ranking • #82 - heartbreak #3 - clues #3 - campuslife #4 - inlovewithmybestfriend
