Negotiation
"Ma, let's go." Banggit ko nang makita ko sila mama at papa sa labas at sumakay sa taxi. Pinauna ko na sila mama at inabot si Khai.
"Lili." Naramdaman ko nalang ang hawak ni Cyril sa kamay ko nang akmang sasakay ako. Potaena, akala ko hindi sumunod ang gago.
"Aalis na kami. Paki bitawan ako." Sabi ko at tinignan niyang masama.
"Let's talk." Sabi niya at hinila ako paalis sa taxi at mukhang kinausap niya si mama't pinaalis ang driver.
Kinaladkad niya ako papasok ngunit nagawa ko namang manlaban. Sino ba siya? Kakapal ng mukhang istorbohin ako.
"Una, wala tayong dapat pag-usapan. Pangalawa, aalis na ako at huli, nakakaabala kana." Sabi ko sa kanya at hinila ang kamay ko na hawak nito ngunit binawi niya agad at patuloy ang hila sa akin papasok sa isang coffee shop.
"Ano ba, Cyril?! Naiinis na ako sa 'yong tang'na ka!" Ngunit 'di lang siya nagsalita. Patuloy parin ang hawak nito sa kamay ko hanggang sa makaorder siya ng cake and coffee.
Nang makaupo naman kami ay tinitigan ako nito na siyang mas lalo ko lang kinainis.
"Ano, magtititigan lang tayo rito?" Prangkahang tanong ko na mas lalong kinaseryoso ng mukha nito. "Sabagay, wala naman talaga tayong pag-uusapan." Pagdudugtong ko.
Sakto namang dumating ang order niya at sumimsim nalang din ako ng kape. Tanghaling tanghali, kape ang pinapainom niya, tsk.
"Then, let's negotiate." Deretsong sabi nito na siyang pinagtataka ko. Makikita mo sa kanyang mga mata na napipilitan lang ito, na para bang nasasaktan din siya sa gusto niyang gawin ang kaso lang ay...anong pake ko? Wala akong balak na sumang-ayon sa gusto nito.
"Sorry pero doktora ako at hindi negosiyante. I don't have any business with you, Cyril Ruize." Sabay ngiti ko ng matamis sa lalaking kaharap ko.
"Sa akin, wala pero sa pamilya ko, meron." Nakangising sagot naman. "Nakakalimutan mo yatang Montejano ako, Lili. Wala na kayong takas sa akin, sa amin. May pagbabanta sa boses nito.
Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak nito ngayon ngunit isa lang ang alam ko sa ngayon, he's planning to end this conversation in a win win situations.
"Wala akong paki kahit Montejano ka pa, Cyril. Tigilan mo ako, tigilan mo kami." Sabi ko naman at umirap sa kanya.
"Let's say I didn't see her..." Pabiting sabi nito at tumikim ng kape.
"You what?" Ano at magmamaang mangan kami rito na walang pagkikita na naganap sa Hong Kong? Na tatahimik talaga siya? Na hindi talaga magsasalita? Hindi ko makuhang maniwala, mahirap maniwala sa taong ito.
"Na hindi ko siya nakita." Pag-uulit naman nito. Tigas ng bungo, ah.
"At sa tingin mo ay maniniwala ako?" Pagtatanong ko naman sa kanya.
"You're not going to buy this that's why I have a condition."
Wow at parang ako pa ang may utang a loob kaya may kondisyon pa ang gago.
Hindi ko alam na kahit ayaw ko talagang mangialam siya ay eto ako, nakikipag-usap at pinapakinggan ang gusto niyang mangyari. Nakikipag-negotiate na ako sa panahong umupo ako sa cafe na ito.
Niloloko ko ang sarili ko nang sabihin kong 'di ako naniniwala sa isang ito ngunit eto ako, nakikinig sa mga sasabihin pa nito.
"What do you really want?" Medyo nauubos na ang pisi ko sa isang ito.
YOU ARE READING
Role Player World(Internet Love Series #1)
Teen FictionLife is full of surprises. Lia Isabelle Monteverde, a doctor who commited suicide years ago becomes open to everyone behind the reason of what she did and there's a man she's been admiring the most and now trusting whole heartedly came in the pictur...