Visits
Obviously, maaga kaming umalis sa mansyon na 'yon. Nakita ko nalang na nakagayak na ang mga kasama ko at mukhang dalawa nalang kaming hinihintay ng mga 'to. Nakakahiya dahil siyempre, nagmukha akong very important person kahit hindi naman pero mas nakakahiya nang nalaman ko kay doc Cons ang rason kung ba't hindi nila ako ginising sa mahimbing na pagtulog ko.
"Ayaw ka ipagising nang mga magpipinsan, gusto pa nga nila na iwan ka namin kaso iginiit ko na magagalit ka sa amin kaya hinintay ka nalang namin." Pagkwento nito nang break time namin nang araw na 'yon.
"Nakakahiya doc." Sabi ko at napafacepalm sa harap nito. "Sana ginising niyo ako o ano." Sabi ko na may masamang itsura sa mukha.
Potaena naman, nakakahiya sa mga head namin hays.
"Ayaw nga nila HAHAHAHHA." Sabay iling nito at may malagkit na tingin.
"Ano?" Sabi ko naman at pinagkrus ang kamay.
"Iba karisma mo. Isipin mo, may Engineer, Lawyer at Architect na umaaligid sa'yo, isama mo pa 'yong Doctor kahit may jowa na." At pinagpatuloy nito ang pag-iiling na tila ba'y 'di makapaniwala.
"Wala akong oras sa ganyan." Sabi ko naman at bumuntong hininga. "Pero nakakahiya talaga, gosh." Para akong batang nagtatantrums sa harap nito sa sobrang kahihiyan.
Nang matapos ang break time ay balik trabaho. Dalaw sa mga pasiyente at kausap sa mga ito, bigay ng mga reseta at kokonsultahin. Naging smooth ang mga trabaho sa natirang oras bago kami makauwi. Hindi hassle, hindi toxic pero nakakapagod.
Nang araw na rin 'yon ay maaga kaming pinalitan nang iba pang doctor at pinag-leave ng head dahil alam nila na kulang kami sa tulog at pagod. Health is indeed matter for us, health is wealth ika nga nila. Kaya nang makauwi ako ay naghanda ng pang-gabihan at nagpahinga ng maaga dahil do'n ko lang naramdaman ang pagod.
Nang mga sumunod na araw ay tahimik ang buhay ko at nakakatanggap ng mga mensahe sa magpipinsan ngunit pinagsasa-walang bahala ko nalang ito. Mas magandang ituon ang oras at atensyon ko sa trabaho dahil bukod sa nag-eenjoy ako, nakakatulong pa ako. Hassle 'pag kauwi pero masaya, worth it when you chose what you desires. Your passion.
Nang magtanghalian ako papuntang cafeteria ay napatigil ako nang makita ko ang taong 'yon sa lobby. Biglang nanlisik ang mga mata ko't parang kumulo ang dugo ko. Anong kailangan ng isang 'to?
Akmang aakyat ako at ipagpapatuloy nalang ang trabaho ng maramdamang nasa likod ko na ito't sumusunod sa mga yabag ng paa ko sa paglalakad kaya't humito nalang din ako. Naramdaman ko ang kamay nito sa kanan kong balikat. Sa pagkakataong iyon ay alam konh sasabog ako pero mas pinili kong kumalma.
Nang tinanggal niya ang kamay nito ay sabay ng pagbuntong hininga ko. Humarap ako rito at pinakakita ang hindi ko interesadong mukha.
"Anong kailangan niyo po?" Nag-aalangan akong banggitin ang huling salita. Nawala ako sa kanya ng salitang respeto.
"Where is the manner, hija? You should greet your visitor first, doctora." May diin din na ganti nito sa akin at ngumisi. "Why don't we eat first?" Suhestiyon nito at inilahad nito ang kaniyang kamay papuntang cafeteria.
Nakakatawa. Ang dami naman paligoy-ligoy, nasasayang ang oras ko.
"Just get straight to the point, Sir, I don't actually have a enough time for your visits." Sabi ko naman at ngumiti ng matamis na ikinaseryoso ng mukha nito.
Tila nasira ko ang kanyang mood. Tss, 'di na bago sa akin ito tutal alam ko rin naman ang iilang baho ng lalaking nasa harap ko.
"Dos."
YOU ARE READING
Role Player World(Internet Love Series #1)
Roman pour AdolescentsLife is full of surprises. Lia Isabelle Monteverde, a doctor who commited suicide years ago becomes open to everyone behind the reason of what she did and there's a man she's been admiring the most and now trusting whole heartedly came in the pictur...