Chapter 28

21 2 1
                                    

Promise

"Surprise!!" Hindi ko inaasahan ang taong 'to sa harap ng condo ko. Ano na naman gusto nito? Jusko!

"Why are you here?!" Because I am not expecting anyone to come without notice anyways.

"Just visiting." And who would believe that?

"How did you know my place, Cyril?" Nagkibit balikat naman ito at biglang pumasok.

May dala dala itong mga pagkain at cake. Bigla kong naalala na may promise pala ito kay Khai. May trabaho pa ko niyan mamaya, uuwi rin sila mama sa probinsiya. Wala na kong nagawa kundi bumuntong hininga.

Nasa likod ako nito habang naglalakas siya. Matikas na pangangatawan, panay ang gym nito, tss. Kahit nakatalikod palang, alam mo ng may narating, na may pangalan sa industriya. Huminto siya kaya at napahinto rin ako. Nagulat na lamang akong lumingon siya at ngumito ng nakakaloko.

"Connection." Sabi nito at kumindat na kinairita ko.

Connection. That's what wealthy family have. Power to control things as they want to. Montejano nga naman. Napailing nalang ako sa mga naiisip ko.

"Sir!" Maingay na tili ang narinig ko. Napansin ko nalang n tumatakbo ang bata papalapit kay Cyril.

"Hi, pretty! Here's your cake with ice cream, too." Pagpapasikat ng lalaking 'to.

"Thank you po, Sir!" Nahihiyang nguniti at nagpabebe naman ang batang 'to, jusko!

"Oh, may bisita ka pala 'nak!" Si mama na kakalabas lang sa kusina.

"Hindi ko rin alam na magkakaroon ako ng bisita, Ma." Sabi ko at tinulungang maglagay na ng pinggan si mama.

"Kain ka na rito, hijo. Marami rin akong nailuto." Pag-aanyaya naman ni mama.

"Nako, Ma! Aalis na rin siya. Promise fulfilled!" Sabi ko at ngumiti naman sa kay Cyril. 'Yong ngiting 'makakaalis kana.'

"Sige po, ma'am. Nakalimutan ko rin pong mag-umagahan. Salamat po!" At ang kapal naman ng gago, ano? Sobra.

"Yehey! Dito kakain si sir!" Tuwang tuwa namang ang batang sutil. Pakasaya ka muna ngayon baby, paiyakin kita mamaya, sige.

"You can call me tito, Khai. Khai, right?" Nagulat naman si Khai at tumingin sa akin.

"I didn't told him your name." Sagot ko naman dahil pinagsususpetiyahan na ko nito.

"But, how?" Naguguluhan namang tanong nito pero sa huli ay nagkislap ang mga mata niya at ngumiti.

"Yes, tito. I am Khai, po." Bibong sagot nito.

"Khai, wash your hands na." Utos ni mama kaya ginawa naman ito ng bata.

"Tawagin mo na ang papa mo, Isabelle." Utos naman sa akin ni mama pero pinag singkitin ko muna ng tingin ang lalaking kaharap ko ngunit tumawa lang ito.

Pinuntahan ko si papa sa kanilang kwarto para sabihing kakain na. Nakita ko ring nakaimpake na sila. Ilang oras din naman ang byahe pauwing probinsiya kaya siguro ay maaga sila aalis.

Pagkabalik ko ng kusina ay nagtatawanan ang aking ina at ang bwisita, si Cyril.

"Oh, sino 'to 'nak? Akala ko ba wala kang boyfriend?" Biglang tanong ni papa na nakasunod lang pala sa akin.

"Kakilala lang, Pa." Sabi ko naman dahil what the hell? We are not friends though and am not gonna say na ex ko siya like past is past, ano ba!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 08, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Role Player World(Internet Love Series #1)Where stories live. Discover now