Chapter 19

9 1 1
                                    

Car

"Good morning." Sabi nang manong guard sa akin at ngumiti. Ngumiti ako pabalik at tumango pa.

Nang makapasok ako ay biglang may mga personal guard na pumasok. May important patient na naman ba?

Montajeno

Ito agad ang pumasok sa utak ko at binilisan na ang paglalakad ngunit nahinto ako nang may lumapit sa'kin.

Matangkad, maskulado potaena, ba't ko ba dinedescribe?

"Hi. What can I do for you?" Tanong ko naman.

Binaba nito ang kanyang salamin. Tumingin ako sa paligid at laking gulat na mga nasa lima ang kasama niyong guard. Ano ba 'to?

"Good morning. Are you doctor Lia Isabelle Monteverde?" Pagtatanong nito habang nakapamulsa. "I'm Rajgi Samuel, official head guard of Montejano family." Pagpapakilala niya at nilahad ang kamay.

Eh? Anong kailangan ng mga ito? Nakipagkamay ako at laking gulat ko hinigpitan nito ang hawak ko. Maglalaban na sana ako ngunit may pinalit niya ang kamay niya't may nilagay sa kamay ko.

"What is this?"

"Gratitude of Montejano family." At pinagkrus ang mga kamay nito.

Potaena, ito pa yata dahilan ng pagkakabagsak ko.

"Hey, I'm just doing my job at hindi ko kailangan ng kapalit." Sabi ko at pilit na binabalik sa kanya ang susi. "Besides, may sasakyan na ako. Pasabing salamat nalang." Sabi ko nang mailagay ko sa ulo nito ang susi. Bahala siya riyan.

Akmang aalis na ako nang paligiran ako ng mga tao nito. Jusko! Tinitigan ko ng masama ang mga guwaryang nasa harap ko at pumanhik ulit paharap sa Rajgi na ito.

"Wala pang tumatanggi sa mga Montejano, tatanggapin mo ang susi." Sabi nito ng nag-uutos at pilit kinuha ang aking kamay at binigay ang susi.

Nakipagsukatan ako ng tingin at ako rin ang bumigay. Kay Rios ko nalang ibabalik, hays.

Umalis ang mga ito at tulad ng inaasahan ko, nakatingin ang mga tao sa akin. Any minute alam kong may magpaoatawag sa'kin niyan.

Bumuntong hininga ako at tumingin sa susi. Fvck! Chevrolet, damn it, my dream car.

Dali-dali kong tinawagan si Rio at laking pasasalamat ng sinagot nito.

"Rios, hindi ko matatanggap iyong binigay niyo." Pambubungad ko sa kanya at patuloy na naglalakas.

Oo, aminado akong hanggang ngayon ay kumikislap ang aking mata sa susing hawak ko. Kumakabog ang dibdib dahil sa kabang hindi ko akalaing mararamdaman sa araw na ito at tila pumapalakpak ang tenga dahil sa sobrang saya. Pero alam kong maling tanggapin ito, nasa rules and protocol nang ospital ito baka ito pa ang ikawala ng lisensiya ko.

"Ah? Anong binigay?" Pagtatanong naman nito.

Bakit parang wala siyang alam? Is he joking?

"Oy, huwag kana magmaang-maangan, hays. 'Di ko matatanggap ito." Sabi ko at ngumuso pa na para bang nakikita niya ako.

"I don't know anything, baby. You tell me." Sabi niya at bumuntong hininga.

"You and your family gave this Chevy, tama ba?"

"Chevy, what?"

Ba't ganito? Err.

"Pumunta iyong Rajgi rito tapos binigay itong susi sa'kin. Ayaw kong tanggapin kasi bawal ito, against sa policy." Pag-aamin ko naman sa kanya. "Pasasalamat daw ng pamilya niyo sa'kin?" Patanong ito, naaalangan talaga akong sabihin ito sa kanya.

Role Player World(Internet Love Series #1)Where stories live. Discover now