Cousins
"Bakit ang tagal ng mga bata, Laura? Tawagin mo ulit." Utos ng Don sa babae.
Nahihiya itong tumango at umakyat.
"Pasensiya na talaga kayo, pa-special ang mga apo ko." Pagpapasensiyang wika nito. "Go, enjoy the foods." Sabi naman niya at kumain na rin.
Ang sosyal dahil halatang pinag-gastusan at pinaghandaan. Dahil gabi ngayon, mas pinili ko lang kumain ng light foods, veggies like that. Mahihirapang magdigest ang stomach na magiging cause ng fats o bilbil sa tiyan.
"Iyan lang ang kakainin mo, hija?" Tanong ni ma'am Rain sa akin.
"Opo." At ngumiti ako sa kanya.
"Hindi ka naman vegetarian, ano?" Natatawang tanong naman nang si sir Silverio.
"Hindi naman po." Sabag tawa ko rin.
"Katulad mo itong si Charm nang kabataan niya, puro damo ang kinakain at tignan mo, kapayat-payat ngayon." Wika ng Don habang umiiling sa kanyang anak na babae.
"Dad, payat isn't the appropriate word. It's sexy, okay?" Pagtatama naman nang mama ni Charles. Natawa ako sa pagiging conyo nito.
"S-sir, pababa na p-po sila." Biglang dating ni Laura at yumuko. Nagpasalamt naman ang Don.
Maya-maya at narinig na namin ang tunog mula sa mga hagdan.
"Meet my handsome grandsons..." nagsimulang banggit ng Don.
Natawa ako sa ideyang mikropono nalang ang kulang dahil nagmumukha itong special event, tss.
"Engr. Mysterio Rein Rios Montejano."
Nakapambahay lang si Rio pero ang lakas ng dating. All white, gosh. Lumapit ito sa kaniyang mga tito at tita, sa kanyang magulang at bumeso, samantalang nagmano naman siya sa matanda. Akala ko ay uupo nalang siya sa kanyang upuan ngunit nagtaka ako nang lumapit ito sa akin at bumeso rin.
"You're going to sleep here?" Pagtatanong niya nang mapansin ang ulan sa labas, hindi inaantala ang mga kasama namin sa hapag.
"I d-don't know." Sabi ko naman dahil hindi pa talaga ako nakakapagdesisyon ng buo.
"Eat, you petite girl." Natatawang sabi nito at ginulo ang buhok ko at umalis para umupo.
Nang tignan ko ang mga kasamahan kong doctor at mga magulang na narito ay bakas sa kanilang mukha at mata ang pagtatanong, gano'n din ang Don pero nakuha niya pang tumawa. Nginitian ko nalang sila, ang awkward.
"Atty. Charles Adrian Montejano Lopez, CPA."
Katulad nang ginawa ni Rio ay gano'n din ang ginawa nito sa mga magulang niya at sa matanda at sa iba pa. Kapansin-pansin ang kaputian nito dahil bumagay ang itim na nike tshirt at shorts nito. Nang makita niya ako ay biglang ngumiti ito nang nakakaloko. Napabuntong hininga ako dahil alam ko na ang susunod na gagawin nito.
"My gorgeous criminal!" At biglang lumapit sa'kin. Kinuha ang kamay at hinalikan ang likod nito.
"Ilan ulit ko bang sasabihin na doctor ako? God!" Pangangaral ko nang may masamang tingin.
"HAHAHAHA Montejano, tsk tsk." Sabay iling ng Don. Siguro ay nahuhulaan na ang nangyayari.
"Go, sit and eat." Sabi ko kay Charles at ngumiti rin ito't ginulo ang buhok ko.
Isa pa, sige! Ay, last na pala 'to dahil hindi ko na kilala ang mga susunod. Hinihintay namin ang susunod pero wala kaming mahintay kaya't humarap muna kami sa isa't isa.
YOU ARE READING
Role Player World(Internet Love Series #1)
Teen FictionLife is full of surprises. Lia Isabelle Monteverde, a doctor who commited suicide years ago becomes open to everyone behind the reason of what she did and there's a man she's been admiring the most and now trusting whole heartedly came in the pictur...