Cyril Ruize Montejano Montero.
"Akala ko napaglamayan kana." Natatawang pambubungad ko sa kanya nang umupo ito sa center sofa.
"Lili..." Nahihirapang bigkas nito at bumuntong hininga, "I'm sorry, I d-didn't mean it." Sabi pa nito.
Tinitigan ko siya. Ang perpekto ng mukha niya, halos lahat naman sila pero may kakaiba sa kaniya at lalong lalo na sa transparent niyang mga mata. Bakas sa mata ang pagsisi.
"You did mean it." Kalamadong sabi ko, "You had a choice but still, you chose the wrong one." Dagdag ko pa.
"K-kaibigan ko sila." Sabi niya na ikina-kunot ng noo ko. "Nakilala kita dahil sa kanila."
"And should I be thankful for that?" Natatawang pagtatanong ko. "You must be kidding me...really? Hahaha."
Sabi ko noon, hindi ako nagsisisi. Na ayos lang dahil may aral namang dala pero nang makaharap ko siya, gusto kong bumalik sa nakaraan para maiwasan kong makilala ang taong nanakit sa akin mg sobra.
"Barkada ko sila, h-hindi ko sila maayawan, hindi ko sila mahindian." Maingat na pagsambit nito habang ang mga siko ay nasa tuhod at ang kamay ay magkadikit. "A-ayaw kong maging duwag." Dagdag pa nito at yumuko.
Duwag. Natatawa akong umiling, hindi makapaniwala sa sinabi nito.
"Ngayon ko lang nalaman na sukutan nang pagiging matapang ang pananakit ng babae." Deretsahang sabi ko na ikinalingon naman nito. "Duwag ka sa paraan ng pagtatago ng katotohanan, 'yon ang totoo."
"L-lili."
"Pinaamin kita, 'di ba? Kung ano pa 'yong mga kasinungalingan mo pero ano? Pinili mo takpan lahat ng kagagohan mo. Inuulit ko, duwag ka." Wala akong maramdaman sa mga oras na 'to, para bang gusto ko lang manumbat ng manumbat. "Sabi ko naman sa'yo, sabihin mo na lahat ng kasinungalingan mo bago ka ulit umalis para naman sana malinawagan ako kasi potaena, sinira mo ako." Bumalik lahat ng ala-ala ko nang panahong iyon. Lahat lahat.
Nang mag-simulang magtalo sila mama at papa na muntikang humantong sa hiwalayan at naalala kong siya nalang din ang ka-isa isa sa kinakapitan ko. Nawala ang kaiisa-isa kong childhood friend dahil sa kababuyan at naging saksi ako ro'n. Nawala ako sa rankings dahil sinakripisiyo ko ang oras at panahon ko sa lalaking na naging sanhi ng pagkasira ng tiwala nila papa at pagkadismaya.
"Natatakot ako, Lili." Sabay hawak nito sa mga kamay ko na siyang ikinagulat ko para hawiin agad ito.
"You fed me with your lies." Malamig na sabi ko sa kanya, "What was that again? A damn dare?" Seryosong pagtatanong ko.
Hindi ito umimik at nakatitig lang sa kamay nitong kinadidirian ko. Dumaan ang paningin ko sa mga pinsan niya at nakitang nakatingin ang mga 'to sa amin. Nangusilap ako't tumingin ulit kay Cyril.
"Let's talk next time, don't wanna ruin their night." Sabi ko sabay tingin sa mga nagsasayahang pinsan nito at tumayo, "But you already ruined my night, tsk."
"No, we are going to talk." Pag-aalma nito at tumayo. Hinawakan ang mga balikat ko't pinaupo sa kanilang sofa.
"Ano ba papag-usapan natin? Eh puro kasinungalingan ka lang naman." Sabi ko habang nakatayo ito sa harap ko. "Don't start a fight with me, Cyril. My damn emotions starting to rule my system." Sabi ko nang naniningkit ang mga mata.
"Don't talk, lemme explain my side." Sabi nito at umupo sa harap ko mismo.
"Ano ba?" Tinampal ko ang kamay nito nang hawakan nito ang magkabilang tuhod ko. "May upuan naman kasi. Tumayo ka nga riyan." Mahinang pag-uutos ko.
YOU ARE READING
Role Player World(Internet Love Series #1)
Novela JuvenilLife is full of surprises. Lia Isabelle Monteverde, a doctor who commited suicide years ago becomes open to everyone behind the reason of what she did and there's a man she's been admiring the most and now trusting whole heartedly came in the pictur...