Tattoo
"Scalpel"
Iilan lang kaming nakapasok dito sa operating room. Halos doctor ang narito at walang mga nurses. Kakami nalang din ang nagbibigay nag-aasist sa isa't isa, sa bawat gilid at may iilang nagmomonitor para sa equipment at si Quesiah naman ang nagbibigay ng mga tools sa head namin.
Tama ang conclusion ko na may nakabara sa lungs nito. Kaya nang umagahan, lahat kami ay walang tulog but after we discussed what we're going to do, we called his family member to conduct an operation asap. Tuloy-tuloy na, kaya ko pa naman, kaya pa rin daw nila.
Una, ayaw pa nila dahil pag-uusapan pa raw ng angkan nila ngunit napilit din naman. Nabalitaan nalang din namin kani-kanina na nandiyan na ang pamilya mg pasyente, nasa labas ng OR.
"Forceps" mahinahong pagbabanggit ng head doctor at inilahad ang kamay sa kabilang gilid.
Napansin kong tulala si doc Quesiah na nasa gilid ko.
"Forceps" pag-uulit nito kaya't nabalik ito sa wisyo at ibinigay ang forceps.
"Focus." sincere na sabi ko.
Nangusilap muna ito pero nag thank you.
I hate her for being competitive. We're here to help, there's no trophy to win, no sash and crown to wear, tss.
Maming ilang beses nasita si doc Quesiah hanggang sa nagalit ang head.
"Focus, doctor Quijano! If you're not going to lend your ears, eyes and mind here, get out of here! Take a break!"
"S-sorry, doc." Paghihingi ng umanhin ni Ques at yumuko, tinititigan ang mga tools at hinahanda para sa susunod kung ano ang kakailanganin.
"A-ako na, pahinga kana muna." Sabi ko halatang pagod na pagod na ang isang 'to.
"I can han--"
"Swap with doc Lia, take a rest." Sabi ng head kaya'y wala siyang nagawa.
Naiintindihan ko si Ques. Buong magdamag ang naging duty niya kahapon at wala pang naging pahinga, hindi ko rin alam kong nakakain na ang isang 'to.
Laking pasasalamat ko nalang dahil pro ako sa pagpupuyat. Hindi ko alam kung insomia ang tawag ng nararanasan ko rati nang kabataan ko dahil panay alas tres o alas kuwatro ang tulog ko. Mabuti nalang din ay naa-apply ko ngayon kahit sobra rin ang pagod ko mula kahapon.
Ang haba ng oras ang ginugol namin sa operas'yon na iyon. Maging sa pagtatanggal ay mas naging maingat upang hindi makakomplikasyon. Sa pagtatahi ay inasa nalang ng head namin sa iba pang doctor para umalis na'to at makapagpahinga.
Nang papalabas na ako sa operating room ay saktong nakita ako ni doc Cons na hinahawakan ang leeg.
"What's with the tattoos?"
Nagulat ako sa tanong nito. Kaya ayaw kong iniipit ang buhok ko.
"Ah, you saw it?" Pagtatanong ko lang at inilugay na ang buhok.
Hindi muna kami lumabas at tinitigan ang doktor na nagtatahi sa pasyente.
"Yeah. Saw it, just a glimpse." Pag-aamin naman nito.
"Cage." Kinumpirma ko.
"Freedom?" Pagtatanong ulit nito.
"Yes, freedom..." tinitigan ko siya at tumango naman siya, "from the past." Pagdadagdag ko't naging dahilan ng paglingon niya.
Ngumiti ako at akmang aalis na.
"Past." Pag-uulit nito, "What the hell happened from the past?" Pagtatanong ulit.
YOU ARE READING
Role Player World(Internet Love Series #1)
Teen FictionLife is full of surprises. Lia Isabelle Monteverde, a doctor who commited suicide years ago becomes open to everyone behind the reason of what she did and there's a man she's been admiring the most and now trusting whole heartedly came in the pictur...