Who is she?
It is indeed small world. Sa daming bansa na magkikita kami, bakit dito at ngayon pa? Sa ganitong sitwasyon pa talaga. Demonyo ka talaga satanas.
I still can't move, I've been rooted here where I stand and just watching my parents talk to him. Good thing tulog na si Khai at nakatagilid ito, taliwasan sa paningin nito.
Napansing kong nagsalita si papa na para bang nagyaya kaya't sakto naman ang paghakbang ni mama palayo sa taong kausap nito. Sa pagkakataong din 'yon ay napagtanto kong nakatulala lang ito sa sahig at kalauna't pinilig ang ulo. Dali dali naman akong tumaliwas ng direksyon at nagtago nang makita kong papalabas na ito.
Simple lang ang mga galaw at paglakad nito ngunit kapansin pansin siya dahil sa white t-shirt at maong pants nito. Kapansin pansin ang gago. Bumuntong hininga ako at napagpasiyahang umakyat na rin sa kwarto namin.
"Ma, nakita ko kayo kanina. Kilala niyo ba kausap niyo?"
Naks! maang-maangan, Lia. Galingan mo pa, iyo na ang korona!
"We bumped in to someone. Pero may kahawig siya eh, he looks nice."
"Looks can be deceiving, Ma." Wika ko sabay irap.
"What's with the irap, Isabelle? Do you know that guy?" Pagtatanong naman nito.
"O-of course! I don't." Sabi ko at sumalampak sa sofa. "Is Khai in the bedroom?" Pagtatanong ko ulit.
"You are lying. You're uttering seems so nervous, huh nak? Who is he? Come on! Tell me and don't you dare to change the topic!" Sabi naman ni mama at pinanlakihan pa ako ng mata.
Pinkatitigan ko si mama. Should I tell her the truth? Err, potaena bahala na.
"Are you going to tell me or what?" Pinaningkitan pa nito ako ng mata. Bumuntong hinga ako at sinimulan ko ang kwento.
Nang akma namang magsasalita ako ay umapel ang pinkamamahal kong ama, "Hindi pa kayo magliligo? Mag half bath? Shower?" Deretsong pagtatanong nito. Napangiti naman ako pero napairap si mama.
"Lumayas layas ka rito. Nag gigirls talk kami ng anak ko." Sabi niya at tumingin kay papa ay binugaw palayo na sinunod naman ni papa.
"Lagwa mu."
Natawa nalang ako nang pinapamadali ako nito. Atat na atat sa kwento, hays.
"So ganito 'yon, ma.." Paninimula ko at sinimulang ipaalala 'yong ivang detalye sa kanya at ik'wento ang 'di pa niya alam.
I saw her reactions everytime I told her my story. 'Di naman na bago sa kanya pero nang makita siguro niya 'to sa personal, 'di niya akalaing siya 'yon.
Nakikita ko ang gulat sa mga mata niya at pagtataka."Why didn't you tell him?" Pagpuputol naman nito.
"Why would I?" Pagbabalik ko namang tanong.
"Isabelle, walang sekretong 'di nabubunyag." Pagkukumbinsi nito sa akin.
"Ma, hindi naman siya sekreto." Pagpipilit ko sa kanya.
"Alam mo ang totoo Isabelle, 'wag matigas ang ulo mo." Sabi naman niya at umirap pa. "May karapatan siya, 'wag mo ipagdamot."
"Oh, kalma ka lang ma. Nakakailang irap kana." Natatanong sambit ko naman.
'Di naman ito umimik at 'di ko na rin pinagpatuloy ang kwento dahil alam kong alam niya na ang nangyayari.
"Okay..." sabi ni mama at tumayo, "the decision is up to you, nak. Ang akin lang, 'wag mo ipagdamot sa bata ang katotohanan." Sabi nito sabay ngiti't hinalikan naman ako nito sa noo.
YOU ARE READING
Role Player World(Internet Love Series #1)
Teen FictionLife is full of surprises. Lia Isabelle Monteverde, a doctor who commited suicide years ago becomes open to everyone behind the reason of what she did and there's a man she's been admiring the most and now trusting whole heartedly came in the pictur...