Chapter 10

24 2 0
                                    

Nightmare

"S-stop, please"

"Hindi ba't sabi ko sayong huwag mo akong takbuhan!?"

"P-parang awa mo na, p-pakawalan mo na ako"

"T-tama na"

Pinipilit kong manlaban. Ayaw ko na, iligtas niyo ako, paarang awa niyo.

"T-tama na"

"LIA!"

"LIA ISABELLE!"

Tagaktak ng pawis ang aking mukha. Habol habol ang aking hininga.

"Nak, ayos ka lang?"

Dali dali akong tumayo. Hindi ko inantala ang tanong ni mama.

Gusto ko ng kumawala, parang awa niyo na.

Deretso ang lakad ko papuntang banyo. Tumingin ako kay mama sabay ngiti.

"Ayos lang ako, ma. H-hindi lang maganda iyong napaginipan ko."

"Hm, sure ka, ha? Kakain na tayo, baba ka nalang mamaya at mukhang maliligo ka yata"

"Sige po"

Walang anu-ano'y sinarado ko ang pinto. Tumingin ako sa repleksyon ng salamin.

Tangina.

Gusto ko ng makalimot.

Pagkakamali.

Isang mali.

Bangungot.

Dali dali akong naligo. Natigil ako dahil sa isang marka. Tinta.

Isang ibon. Isang hawla. Nakalaya na nga ba talaga siya?

Gusto ko itong burahin ngunit kahit anong kuskos ko ng sabon, hindi na ito mabubura.

Kasalanan niya ito. Mali, kasalanan ko ito.

Oo, kamalian. Nalulunod ako sa nakaraan. Gusto kong imulat ang aking mga mata sa kasalukuyan pero nabulag na ako sa bangungot ng nakaraan. Iligtas niyo ako, nakalimutan ko na yatang lumangoy.

Magbabad ako. Magtatagal ako rito. Pinuno ko ang bath tub at nagpahinga. Pinikit ang aking mata at dinama ang katamtamang init ng tubig sa aking katawan.

Gusto kong kumawala.

Ang tinta. Gusto kong linisin ang dumi, gusto ko itong mawala.

Gusto kong mawala ang ala ala ng nakaraan at kasabay ng pagkawala no'n ay ang pagkawala rin ng sarili kong buhay.

"Kaya niya 'yan!"

"Hindi na bago sa kanya ito"

"Madali nalang para sa kanya ang trabahong ito. Beterano ang isang iyan"

"Ba't ka pa bumalik!?"

"Isang milyon, kapalit ng serbisyo mo"

"Mababa para sa kanya iyan. Hindi papayag 'yan"

Ang mga boses sa utak ko. Paulit-ulit. Ayaw ko na, gusto ko ng kumawala.

Inilublob ko ang aking mukha sa ilalim. Sana ito'y karagatan, sisisid ako hanggang sa ako ay makatakas.

"Lia, anak! Diyos ko po!"

"Check her vitals"

"Doc, humihinga pa"

"Uuwi ako. Kukuha ng mga damit at gamit natin, baka mananatili tayo rito."

Pagod na ako. Gusto ko lang magpahinga.

Ayaw ko na. Pinikit ko na lamang ako aking mata at nagpadala sa antok na aking nararamdaman.

Role Player World(Internet Love Series #1)Where stories live. Discover now