Chapter 8

24 2 0
                                    

Eilithyxia

"So, on progress ka rin, hindi ba?" They starting to ask questions.

At this time, gusto ko ng magpalamon sa lupa. Jusq pain, pain, pain! Ayaw ko nito.

"Well, pwedeng hayaan niyo nalang akong magkwento? Saka nalang muna kayo magtanong" sabi ko sa kanila at bakas sa mukha nila ang pagsang-ayon.

"Nang nagnew year, I'd never thought na iyon pala last night ko sa kanya. You know, Jacob isn't into pagpupuyat kaya kataka-takang nagkaroon kami ng late night talks.."

Really, he's not like that. Siya iyong tipong maagang natutulog, iyon ang pagkakaalam ko.

"Then, what's next?"

"Then, nang nag January 1 na, we decided to watched movie, remember? So hindi ako nagbabad sa social media that day then iyong chat namin, di nagkakasundo. I mean, online siya, offline ako at pag online ako, offline siya. Gano'n kaya mahirap, magulo...."

'Di ko rin akalain na gano'n mangyayari the whole day, not until na mag-gabi na.

"Then, mga 7 PM na kami nakauwi no'n kasi anong oras na natapos iyong sine. Siyempre, nagcharge pa ako kaya gano'n.."

'Di naman kasi ako gumagamit ng phone ko habang nakacharge. Masira pa jusq huwag na.

"So, what happened next?"

"Atat, sis? So, when I open my account, daming messages. Palibhasa, rp account ko ang nasa messenger ko that time..."

Seriously, wala akong paki sa kaganapan sa real world kasi nakatuon oras ko sa lalaking iyon.

"Myghad! Di talaga ako kumportable ikwento sa inyo jusq HAHAHA"

"Huwag kang pabitin! Bilis na"

"Umayos ka nga! Ano na susunod?"

Hays bahala na. Nangyari naman na, 'di na maibabalik kasi tapos na.

"Sabi nang kapatid niya, p-patay na raw siya."

"W-what?!"

"W-what do y-you mean?"

That's life. People come and go. Wala talaga tayong magagawa kundi tanggapin. Pero habang nadiyan pa sila, give our best shots for them. Make them feel special and treat them what they deserve.

"Yeah HAHAHA tanga ko, ano? Eilithyxia really broke that time. She's in pain, hurt so much. Crying every night. Messaging that man, waiting for his replies but nah, it's not Eilithyxia but me. I-I've been broke and... lost hahaha"

Hays eto na nga ba sinasabi ko ih. Nalulungkot ako but yeah, 'di na ako mangiyak ngiyak like last month t'wing inaalala ko ang lahat. Already accepted it. Accepetd the fact that I've been fooled in that world because of clichè love HAHA.

"Haha but sis! Ayaw ko na haha, Sanay tears ko roon jusq! But I really did love him, walang labis, walang kulang."

"You did. Did? Are you sure na did?"

Am I really sure? Takteng Sam naman hays ito, napaka ano talaga hahaha.

"Well, I guess? I'm okay naman. Tanggap ang lahat. Lahat lahat na tapos na."

Yeah, wala na sa akin iyon. It's just that, ayaw ko mapang-iwanan. Sarili ko lang makakatulong sa akin. Atsaka siyempre, 'di ako papatalo haha ano siya, mala Elijah Riley Vasquez Montefalco?  Jusq ekis!

"Wait nga lang! Anong sayang ang tears? 'Tsaka tanggap na alin? 'Tsaka bakit did, ah?"

Ayy tae! Nahalata pa ni Pusa iyon. Irevised ko kaya k'wento? Sabihin ko nalang sa kanila na may girlfriend siya sa real world kaya pinapili ko haha. Mas katanggap tanggap pa iyong rason na iyon kaysa sa ginawa niya hays.

"Sorry mga sis, ah? 'Di talaga ako nakapagkwento sa inyo lately haha si Pusa kasi muna iniisip ko atsa--"

"Stop it, sis! Anong rason nang paghihiwalay niyo ni Raven slash Jacob? Iyan lang ang gusto naming malaman"

Myghad! Stop this conversation of us, please.

"Isabelle slash Lia or Eilithyxia, ano ang rason?" Sam asked me again. 'Di ako titigilan nito.

"Let her, Sam. Sasabihin din niyan iyan" Cath said and I smiled to her.

Iyan si Cath haha still calm and all. She's the typical girl na napakafragile yet silent and ready to listen. Wala munang papanigan until wala pa siyang alam. She's someone who can you talk to with but she's not the girl who's good at giving advice because she's miserable right now and broke.

Yeah, kailangan na nilang malaman haha baka kasi sumabog ako anytime kasi ilang buwan ko na itong kinimkim. They're my bestfriends, they need to know it.

"I-It's all a-about legendary reason w-why rp'ers b-broke up..." my voice was shaking. This isn't good fvck!

"What do you mean?" Cath asked innocently.

"D-do you me--?"

"Yes. Yes, h-he lied and said that he w-was going to d-die" I cut Sam and as I expected, my tears fell down and they hugged me.

"Shh, you should let us know it!"

"Sige lang, iiyak mo lang. Nandito lang kami shh"

Haha love really sucks, damn it!

"Tangina niya. Shh, sige lang, iyak ka lang"

Tangina! Masakit? Oo, masakit.

Role Player World(Internet Love Series #1)Where stories live. Discover now