Confession
Ilang linggo na rin ang lumipas simula ng mangyari ang pagkakakilala ko sa magpipinsan. Hilaw parin sa utak ko ang bawat detalye sa pangyayaring iyon. Isang linggo na rin ang lumipas at nagising na ang inoperahan namin sabi ng head at iba pang doctor. Hindi na ako nag-abalang puntahan dahil marami naman na ang nag-aasist. Tatlong araw na rin ang lumipas simula ng madischarged ang pasyente kong pasaway na attorney na si Charles ngunit walang palya kada araw na nandito sila ni Rios para sa kanilang pinsan.
"Jowa, busy pala iyong Architect sabi nang secretary niya tapos gano'n din iyong Engineer." Pambungad sa akin ni jowa Charmagne nang tumawag ako't sinabing naging maayos ang operasiyon.
"Sige, jowa. Pare-sched nalang din natin." Sabi ko at nagpasalamat. Nagkwentuhan pa kami ng ilang mga bagay bagay bago tinapos ang usapan.
I met my jowa in rpw. Magka-fam kami at mas close ko pa ang isang kaibigan nito kaysa sa kanya. Nang nag ra to ra ang kaming lahat ay bigla itong nagchat ng madaling araw at hindi ko aakalaing magkakasundo kami agad dahil sa potaenang multong kumakalingkis sa binata nito. Naalala kong tinulugan pa ako nito nang dahil ro'n.
Naalala ko ring siya ang napagsasabihan ko sa lahat. Meron akong Sam at Cath pero iba ang presensiya ni jowa kahit nasa malayo siya, laking pasasalamat ko nalang dahil sinusuportahan ako nito't dinadamayan.
Kaya eto, dahil isa na siyang fashion designer at malawak ang koneksyon nito ay siya na ang nagvolunteer na hanapan ako ng magdedesign at gagawa sa bahay ko. Kaya oo, wala akong kaalam alam kung sino ang mga taong makikilala ko niyan, abala ako sa pagtulong sa tao kaya't 'di ko na rin tinanong si jowa kung sino ang mga ito kaya't wala akong background kung mabisa ba ang kanilang serbisyo. Tho may tiwala ako kay jowa, hindi na siya maloloko ng mga gano'n.
"Good morning, great criminal." Napaikot ko ang aking mata ng marinig ang nakaririnding tinig na 'yon. "Kumain kana?"
Simula nang rebelasyong naganap sa cafeteria ay tinawag na nito akong kriminal, hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis. Isama mo pa ang nakakalokong ngiti at tinig nito, tsk.
"Good morning, Lia. How are you?" Sabay lapit sa akin ni Rio at bumeso.
Ganito parati ang routine. Si Rio ang unang lalapit at susunod si Charles tapos magkakatitigan sila. Hindi ko alam ngunit nakakaramdam ako ng tensyon sa tuwing magseseryo na ang magpinsan, lalo na kay Charles.
"Good morning." Paninimula ko at ngumiti. "I'm good, nakakain na rin. Kayo ba?" Pagtatanong ko at pinindot ang up button ng elevator.
"I'm good. Can I ask you out for a dinner later?" Deretsahang tanong ni Charles na para bang wala rito ang pinsan niya.
"A-ah?" Nagugulat na sagot ko.
"I will take that as a yes." Sabi naman nito at nauna nang pumasok sa elevator.
"You can't date her. Our cousin, Ruize wants us to be complete tonight. Madidischarge na siya. You forgot?" Pagsasabi naman ni Rio nang sabay kaming naglakad din papasok.
"He can wait."
"Cousins first, anything or anyone next. Motto." Sabi naman ni Rio at tumingin sa pinsan.
"Tell me, bro.." at tumingin din siya kay Rio, "Do you like this pretty doctor in front of us?" Pagtatanong nito na naging sanhi ng paglingon ko sa mga ito.
Nang nagkasabay kami ni Rio at pumasok ay tumabi siya sa pinsan niya sa dulo at ako naman ang nagpaharap. Ayaw kong pumagitna sa dalawa at umepal ngunit eepal yata talaga ako ngayon.
YOU ARE READING
Role Player World(Internet Love Series #1)
Teen FictionLife is full of surprises. Lia Isabelle Monteverde, a doctor who commited suicide years ago becomes open to everyone behind the reason of what she did and there's a man she's been admiring the most and now trusting whole heartedly came in the pictur...