"Ano payag ka?" tanong ko sa kanya habang naghahanda kami para sa aming gold medal match dito sa Asian games.
Umirap naman ito akin. Lumapit ako sa kanyang harap atsaka humawak sa magkabilang balikat niya.
"I know this sounds like a joke but I'm serious. I even bought our wedding ring and it's on my bag right now. Isang oo mo lang magpapakasal na agad tayo pagkatapos ng game." sabi ko.
Kitang-kita ko kung papaano ito magpigil ng ngiti pagkatapos ay tumitig ito sa akin.
"Ang hilig mo talaga sa ganito no? Tumatanda ka na ba at nawala na yung romantic side mo? Gusto mo talaga paspasan na. Then let's do our best to win that gold medal at magpakasal na tayo." saad nito na nagpangiti sa akin ng sobra.
"Let's do our best because there's no other option but to win that gold medal dahil handang-handa na talaga akong itali ka."
Natawa na naman ito sa naging reaction ko dahil kanina ko pa gustong maglaro at manalo.
Ilang taon na din kasi kaming naging busy sa mga competitions na sinasalihan namin at halos wala na kaming time para sa aming dalawa lalo pa at mas umingay ang pangalan namin dahil palagi kaming nanalo.
Dahil dun ay pareho na kaming napabilang sa world famous athletes. Kaya naman kabilaang brand deals, photoshoots, tv guestings mapaloob o labas ng bansa ang iba pa naming ginagawa kapag off the court.
Halos daig na nga namin yung mga artista sa sobrang busy namin. Kaya wala na akong time para mag-isip kung paano magpropose sa kanya kaya ginawa ko na lang na related sa sports namin.
"Lucas look!" I look at where's Kevin pointing and i saw a girl sitting on a bench and watching us but she's smiling watching us play but her eyes shows opposite... loneliness.
"Go talk to her." utos nito pero kahit hindi ako nito utusan ay talagang pupuntahan ko yun.
"Are you okay?" tanong ko nang makalapit ako.
Hindi naman ito umimik at nakaawang ang bibig na tumitig lang sa akin. Hindi siguro nito inaasahan na iyon ang una kong itatanong sa kanya.
"You can talk to me, I won't judge you." dagdag ulit.
Tumingin itong muli sa akin. "Talaga?" mabilis akong tumango. Umupo ako sa tabi niya atsaka pinakinggan lahat ng mga kwento niya.
Naawa naman ako sa kanya dahil tanging hiling lang naman niya ay ang mapansin siya ng mga magulang niya at maipagmalaki pero alam niyang malabo iyon dahil hindi daw siya kasing galing ng mga kapatid niya.
Nang mapansin kong bigla na naman siyang naging malungkot hinawakan ko agad yung kamay niya at inaya ko siyang maglaro ng tennis.
"What? Hindi ako marunong." alanganing sabi nito.
"I'll teach you." atsaka kami nagtungo sa isang lote kung saan kami naglalaro ni Kevin kanina.
"Oh?" nagtatakang reaksyon nito nang makitang kasama ko yung babaeng umiiyak kanina.
"Can we borrow your racket?" sabi ko rito.
"Why? You have your own." sagot nito.
"Yeah but I want to teach her how to play." sabi ko at hindi na ito hinintay na sumagot at kinuha ko nalang sa mga kamay nito yung raketa. "Thanks." ngumiti ako rito at napanganga lang ito.
"Like this?" tanong nito tungkol sa paghawak ng raketa. Itinuro ko naman sa kanya kung papano. Namangha pa ako dahil mabilis lang siyang matuto.
"That was fun." tuwang-tuwa nitong saad matapos naming maglaro.
BINABASA MO ANG
Silent Smasher (Sporty Princess #3)
General FictionEleanor Avery Delgado also known as "LA" is the team captain of Women's Tennis Team at the University of Ravenleign. Sa loob ng tatlong taon niya sa Tennis Team, siya palang ang player dito na wala ni isang talo hindi lang sa kaniyang team, maging...