Chapter 9

12K 378 17
                                    

Nandito na kaming tatlo nina Meryl at Kayla sa lobby ng hotel habang hinihintay ang iba naming teammates. Nandito na din sina Denver at ang iba pa niyang teammates, nasa kabilang side naman ang Stuartz Team.

Ayokong lumingon sa kanila dahil ramdam kong nakatitig sa akin si Lucas. Minabuti ko na lang ang pagka-poker face ng mukha ko upang hindi niya malaman na naiilang ako sa mga titig niya.

Isa-isa naming kinatok ang rooms ng mga teammates namin kanina kaya anumang oras ay bababa na din sila.

"Bakit pala napaaga ang hiking?" rinig kong tanong ng kararating na teammate ko na si Lucy.

"Sa susunod na araw daw kasi darating yung bagyo, isa din kasi ang hiking na ito sa kung bakit dito sa lugar na ito ganapin ang training camp." sagot ni Kayla. "Naisipan ni coach na mag-hiking tayo. Hindi naman daw delikado at mataas ang aakyatin."

Dahil wala sa isipan ko ang hiking, sinuot ko nalang ay ang dala kong brown shorts na medyo fit sa akin at saka brown longsleevebshirt. Nagrubber shoes na din ako.

Hindi naman nagtagal nakumpleto na kami. May ilang paalala naman si coach bago kami sumakay sa van na maghahatid sa amin kung saan kami magsisimulang umakyat.

Bumaba naman kami agad nang makarating kami sa kung saan kami magsisimula.

Medyo madilim pa dito at hindi pa sumisikat ang araw kaya mararamdaman mo ang lamig na dulot ng pang-umagang simoy ng hangin.

Napahawak naman ako sa aking mga balikat dahil randam ko pa rin ang lamig kahit na longsleeve ang suot kong damit.

"LA! hiramin mo muna 'to." sabi ni Denver at inaabot sa akin ang hawak niyang jacket.

Umiling lang ako bago naglakad patungo sa kinaroroonan nina coach.

"Coach, ilang oras bago tayo makarating sa tuktok?" tanong ni Kayla na sumunod pala sa akin.

"Mabilis lang naman, 2 hours naroon na tayo." sagot ni coach. "Okay guys! Magready na kayo! Magsisimula na tayong umakyat para hindi tayo masiyadong mainitin kapag nakarating tayo sa tuktok." dagdag nito.

May apat na guide namang sumama sa amin upang hindi kami maligaw at magabayan kami.

Pero ganun na lang ang inis ko nang sabihin ni coach na dapat ay by partner kaming lahat.

Mabilis na lumapit sa akin si Denver pero mabilis din akong umikot para hindi siya makalapit sa akin.

At sa pag-ikot kong 'yon, may humila na naman sa akin at hindi na ako magtataka kung sino 'yon.

Sino pa nga ba ang makulit na lalaki kagabi na gusto akong makapartner ngayon?

At ako naman, heto at nagpahila sa kaniya hanggang sa makarating kami sa bandang huli. Nakita ko pang sinundan kami ng tingin ng mga teammates nito at nila Bianca pero wala na akong pakialam dun.

"Wala ka na bang mas mahabang maisuot? Lantad na lantad 'yang legs mo." inis nitong saad.

"Wala kang pake." masungit kong sagot.

"Pinagpi-piyestahan na nila 'yang legs mo." naiinis pa rin nitong sinabi.

What the?! Eh medyo mahaba naman yung shorts na suot ko.

Nagulat nalang ako nang hubarin nito ajg suot na jacket at ipinulupot sa bandang baywang ko para matakpan ang legs ko.

"Ang arte mo!" singhal ko at saka nagsimula nang maglakad.

Sumabay naman na ito sa akin at sa buong oras nang palalakad at pag-akyat namin, nakaalalay lang sa akin si Lucas.

Kapag tatawid kami sa madulas na batuhan, daig ko pa ang isang prinsesa kung makaalalay ito sa akin eh kayang-kaya ko namang tumawid ng walang alalay. Pero syempre, hinayaan ko naang siya dahil kukulitin niya lang ako kapag tumanggi pa ako.

Silent Smasher (Sporty Princess #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon